Ayoko Na

60 4 0
                                    

Yan yung salitang ayokong marinig,
Bukod kasi sa isang malaking tinik sa dibdib,
Yan din yung salitang kay hirap tanggapin,
Lalo na kung ito'y sayo manggagaling.

Sige tatanggapin ko,
Na ayaw mo na sa akin at suko ka na sa ugali ko,
Na di ka para sakin at di ako para sayo,
Na may prayoridad ka sa buhay at hindi yun ako.

Sabi mo ayaw mo na,
Paano kung sabihin kong gusto ko pa?
May magagawa ka ba?
Kasi kung meron pakibilisan lang,
Para isang bagsakan na lang,
Dahil ayoko ng masaktan,
Sa parehong tao at parehong dahilan.

Nakakasawa na!
Kaya minsan natetempt ako na sabihin ang katagang yan,
Kaya lang kapag sasabihin ko na,
Umuurong yung dila ko,
Dahil alam ko yung mararamdaman mo kapag sinabi ko 'yon.

~~~~
Please follow me!! Vote, comment and share this poetry to others. Thanks a lot :*

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon