Umpisa yan syempre ng bakasyon,
Parehas tayong di busy,
Madaming free time para maghanap ng sidechick, sideline,
At sa katapusan,
Bago magpasukan,
Biglang meron palang paalamanan.Relasyon,
Bakasyon,
Relasyon tuwing Bakasyon,
Relasyon kasi bakasyon,
Bakasyon kaya may relasyon.Sino ba namang matinong tao ang gugustuhing maging hanggang pangbakasyon lang?
Wala. Wala. WALA?Wala, hanggang sa yun na nga,
Ginulo mo yung mapayapa kong pamamahinga,
Sa pamamagitan ng iyong mahiwagang "Hi! Kamusta?"
Ako naman tong si Marupok na Tanga,
Tumugon!Oo! Tumugon ako,
Tumugon ako sa chat ni Gunggong,
Aba! Malay ko ba naman na dahil lang yon sa bakasyon,
Kilig na kilig pa ko,
Ang ending,
"Goodbye aking karelasyon".Ang sarap lang magmura,
Pero mas masarap yatang isumpa ka muna,
Dahil di mo ko sinabihan,
Na ang gusto mo ay relasyon,
Ay pangbakasyon lang.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!