Tanggap Ko

60 3 0
                                    

Tanggap ko,
Tanggap ko lahat ng mali mo,
Tanggap ko lahat ng pagkukulang mo,
Tanggap ko ang lahat sayo,
At tanggap ko din na di ako ang mahal mo.

Tanggap kong ang mahal mo ay sya,
T

anggap kong mahal ka rin nya,
Tanggap ko rin na di mo na ako kilala,
Tuwing kayong dalawa ay magkakasama.

Alam mo bang tanggap ko na mahal mo lang ako kapag may kailangan ka?
Alam mo bang tanggap ko kapag naiiwan na naman akong mag-isa?
Alam mo bang masaya ako kapag kinakausap mo ko dahil bored ka?
At alam mo bang ang hirap para sakin yung sitwasyon nating dalawa?

Ang hirap tanggapin pero natanggap ko,
Ganon kita kamahal at ang may alam lang nun ay ako,
Di ko masabi sayo ang totoo,
Dahil nakakatakot na baka ako'y pagtawanan mo.

Tinanggap ko na at ayoko ng masaktang muli,
Sa parehong dahilan at parehong pagkakamali,
Masaya ka na ngayon sa kanyang piling,
At ang tangi kong hiling ay huwag ka ng makita pang muli.

~~~~
Another poetry written by me!!!
Please do vote and comment. Also share this to your friends. Thanks and love lots

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon