Tanda Ko Pa

62 1 0
                                    

Tanda ko pa nung una tayong nagkita,
Dahil sa kaibigan kong jowa ang iyong tropa,
Sabi ko pa nga, Hi,
Sabi mo, "Hello, Kamusta?"
At dun na nagsimula ang kwento nating dalawa.
Mula sa pagpasok sa eskwela, pagpunta sa kantina, pagcutting class sa ating masungit na propesora,
Tayo palagi ang magkasama,
Na para bang wala ng makakapagpahiwalay sa ating dalawa.

Tanda  ko din yung kapag uwian,
Susunduin mo ako sa aking silid aralan,
At maglalakad na tayo pauwi sa aming tahanan,
Babatiin ang Nanay at Tatay ko gaya ng nakagawian,
Saka magmemeryenda ng paborito nating suman.

Tanda ko din yung kapag pupunta sa inuman,
Ako muna ay iyong sinasabihan,
Na kung pwede ba ang isa pang tunggaan,
Wala namang tayo kaya sinasabi ko, "Sige. Buhay mo naman yan".

Naalala mo din ba nung pumunta tayo ng birthday party ni Cathy?
Tapos ang handa lang Carbonara, Shanghai at Spaghetti?
Ang handa nya ay konti,
Madaming bisita kaya nagdesisyon kang tayo ay maghati.

Tanda ko din nung pupunta tayong mall,
Bumili muna tayo sa labas ng fishball,
Dahil sabi mo ito ang gawain ng madlang people,
Para pagpasok sa mall, maglalaro na lang tayo ng basketball.

Maraming bagay pa na natatandaan ko
Na ginawa mo at ginawa ko,
Tapos lahat yun sabay tayo,
Ngunit bakit tila paglipas ng panahon ay nalimutan mo?

Nalimutan mo na para bang isang aralin ito?
Aralin na pagkatapos ng maraming pagsusulit ay babalewalain mo,
Nalimutan mo yung pinagsamahan nating dalawa,
Di ako nagsawa, pero ikaw halata sa muka mo na sawang sawa ka na.

Nakakalungkot isipin na wala na lang ako sayo ngayon,
Kung dati ako'y prinsesa mo,
Ngayon parang katulong na lang ako,
Katulong sa palasyong itinatag nating dalawa sa paglipas ng panahon.

At ngayon tanggap ko na,
Na ako na lang ang nakakatanda ng masasayang alaala,
Oo masakit sa puso ito,
Ngunit kailangang tanggapin at magpatuloy sa hamon ng buhay ko.

Di ko lilimutin ang alaalang nabuo,
Sapagkat ito'y nakatatak na sa isip at puso,
Di mabubura ng panahon,
Ngunit magsisilbing leksyon.

~~~~
Geez. Tagal di nakapag-update. Click like and leave a comment. Love lots!

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon