Mahirap maging bunso?
Tara swap tayo,
Para ma-experience mo naman na mas mahirap maging PANGANAY.Usually, kami yung utusan sa tahanan,
"Bili ka ng ganto" "ganyan" dun sa tindahan,
Tapos di pa kami makaangal,
Kasi baka mapalo damay si bunso na napakalakas ng pagngalngal.Malaki din ang responsibilidad namin,
Mga kapatid dapat aalagaan,
Mga kapatid dapat aasikasuhin,
Mga kapatid dapat wag papabayaan,
Mga kapatid dapat wag aawayin."Palaging intindihin" linya ng Nanay namin,
Wala kaming magawa kundi ang magtanong sa sarili ng katagang "Ako? Kelan ako iintindihin ng kapatid ko?"Kelan kami iintindihin ng mga kapatid namin na kay hirap unawain?
Kelan kami iintindihin ng mga kapatid namin na di naman sobrang haba ng pasensyang meron kami?
Dahil kagaya nila, tao din kami.
Nauubos ang pasensya, naiinis, naiirita, nawawalan ng gana,
Mas matanda lang nga sa kanila.Kayong mga nakababatang kapatid,
Please lang! Unawain nyo kami,
Kapag minsan di matulungan sa takdang aralin,
Kasi meron din naman kaming gawain na dapat tapusin,
Kapag may pagkakataong tulad nyan,
Kami sanang mga Panganay ay maunawaan.Kami sana ay unawain ninyo gaya ng pag-unawa namin sa inyo,
Dahil mahal namin kayo higit pa sa pagmamahal na natatanggap namin mula sa inyo.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!