Ayos Lang

101 1 0
                                    

Ikaw ang mahal ko,
Kaya ayos lang kahit na ako'y paulit-ulit na saktan mo,
Pangako hindi ako magrereklamo,
Ganon kita kamahal kaya lang sinayang mo.

Sinayang mo yung mga pagkakataong ang lahat ay ayos lang para sa akin,
Sinayang mo yung mga oras na dapat ako'y nasa iyong piling,
Ang mga iyon ay sinayang mo,
Idinamay mo pa pati ang tiwala ko.

Ang tiwala kong buo kong ibinigay sayo,
Nasaan ka ngayon? Hindi ba't iniwan mo din ako?
Hiningi mo ang oo ko at sabi mo, ito ay iingatan mo,
Sinungaling ka pero ayos lang, sanay na ako.

Sanay na ako na niloloko nyo,
Sanay na ako na nasasaktan nyo,
Sanay na akong umiiyak ng dahil sa inyo,
Pero uulitin ko,
Ayos lang ako.

Ayos lang ako kapag kaharap ko kayo,
Pero iiyak ako kapag mag-isa na lang ako,
Iiyak ako kapag wala ng nakakakita sa inyo,
Ayos lang ako sa harap nyo,
Baka sabihin nyo pang mahina ako.

Saktan nyo lang ako hanggat gusto nyo,
Dahil uulitin ko ayos lang ako,
Pero wag kayong magrereklamo kapag ginantihan ko kayo,
Dapat ay ayos lang din sa inyo na saktan ko kayo sa paraan na gusto ko.

Ayos lang,
Ayos lang,
Ayos lang,
Ayos lang ako.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon