Samahan

65 1 0
                                    

Sa umpisa ay isnaban,
Ilangan at iwasan ng tinginan,
Hindi yan maiiwasan,
Dahil yan ang simula ng magandang samahan.

Buwan ay lumipas,
Hiya sa isa’t isa’y unti-unting kumupas,
Mga kaklaseng naging kapatid-kaaway, kaibigan-kadamay,
Yan ang samahang masarap dalhin habangbuhay.

Sumapit na ang buwan ng pagtatapos,
Malapit na ang lahat ay makaraos,
Ngunit minsan ay nakakalungkot,
Na ang samahan ninyong sama samang tinaguyod ay biglang matatapos.

At panghuli,
Ang luha ko’y nangilid,
Kay bigat nito sa dibdib,
Ngunit kaibigan wag mag-alala,
Magkikita tayo hanggang sa muli.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon