Pwede ba?
Nakalayo ka na hindi ba?
Iniwan mo na akong mag-isa,
Kaya please wag ka ng makabalik balik pa.Pinaiinit mo ang ulo ko,
Sarap mong buhatin at ihagis sa inidoro,
Tapos i-flush ng matindi at dumiretso sa kanal na mabaho,
Bagay ka naman dun
Dahil tulad ng kanal ang ugali mo,
Walang kasing baho.Ang sakit mo na sa ulo,
Mula nung bumalik ka.
Ang sakit mo pa sa ilong,
Dahil sa pabango mong mumurahin na galing sa bakla mong aning-aning,
Pero masakit ka din sa mata,
Lalo na pag nagsusuot ka ng mga pang jejemon na porma,
At ang sakit mo pa sa tenga,
Kasi nung narinig kitang kumanta,
Nasira yung mga kubyertos sa bahay at mga kaserola.Di ko alam kung paano kong nagustuhan ang tulad mo,
Kung makapagyabang akala mo kung sinong gwapo,
Nacute-an ako sayo oo,
Pero diba pwedeng mukha ka lang talagang aso sa paningin ko?Sorry kung medyo nalait kita,
Sinabi ko lang kung ano ang napapansin ko sinta,
Mukha ka kasing kutsinta,
Sa kalye na ang mga tao ay puro paminta.~~~~
(May 29, 2018)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!