Laro

317 2 0
                                    

Habulan ang ating unang laro,
Kung saan ako ang taya at ikaw ang hahabulin ko,
Bagalan mo lang sa pagtakbo,
Para naman mataya kita at ako naman ang hahabulin mo.

Ngunit mahal bakit nung ika'y nahabol ko na,
Bigla kang umayaw at sinabing tama na,
Natuwa pa naman ako dahil mararanasan ko ng mahabol mo,
Yun pala, umasa lang ako.

Grabe!! Paasa ka,
Ay mali hindi ka paasa,
Sadyang umasa lang akong talaga,
Anong magagawa ko?
Binigyan mo kasi ako ng motibo,
Para umasa sayo ng todo.

Harangang daga naman ang sunod sa listahan,
Dito, ako ay taya na naman,
Haharangin kita at ako'y iyong iiwasan,
Umayaw agad ako sapagkat ako ay nasaktan sa katotohanan.

Sunod ay taguan naman,
Ang taya dito ay ikaw naman,
Magtatago ako,
At hahanapin mo ako.

Sa lugar na madali mong makita ako ay nagtago,
Lumipas ang ilang minuto at may napagtanto ako,
Napagtanto ko ito dahil nainip ako sa paghanap mo sa pwesto ko,
Baka hindi ako ang hanap mo,
Baka ang hinahanap mo ay yung mahal mo kahit di naman ito kasali sa ating laro,
Kaya lumabas na ako.

Maggagabi na kaya nagpaalam ka na,
Sabi mo uuwi ka na dahil baka mapagalitan ka,
Akala ko pa naman ay ihahatid mo ako,
Ngunit umasa na naman ako,
Dahil iniwan mo akong mag-isa sa ilalim ng punong ito.

~~~~
Another poetry originated by me.

Please do vote and comment. Also share this to your friends. Love lots

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon