Mahal kita oo,
Kaya kong magpakamartyr sayo,
Kaya kong magmukang uto-uto,
Kaya kong magpakabobo,
Ganun kita kamahal g*go!Ikaw? Ginawa mo na ba lahat yan para sa mahal mo?
Siguro oo,
Oo kaya lang nakakalungkot dahil di yun ako,
Kundi ang nag-iisang kaibigan ko.Kaibigan kong para ko na ding kapatid,
Kaibigan kong kung makadaldal, walang patid,
Pero ngayon wala na,
Dahil naangkin mo na sya.Nagtatampo ako dahil mas pinili ka nya,
Pero minsan naiisip kong mahalaga ako pero ikaw ang priority nya,
Masakit isipin na wala na yung dating sigla,
Yung sigla na nagdudugtong sa aming dalawa.Pero nagparaya ako diba?
Binigay ko yung kasiyahan na nais ng inyong mga mata,
Ganun ko kayo kamahal na dalawa,
Dahil ang gusto ko lang ay maging masaya kayo sa piling ng isa't isa.~~~~
Please follow me, vote, comment and share this poetry to others. Thanks a lot :*
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!