Louisse's POV
"Pa, please! Ayoko po!" i pleaded at him.
Nakaluhod na ako sa harapan niya, habang umiiyak at pilit na pinupunasan ang bawat butil ng luha na tumutulo galing sa aking mata.
Nasa loob ako ng opisina ni Papa, kakarating niya lang kahapon at sinabi niya sa akin na he wants to talk to me, kaya after kong puntahan si Alex sa Hospital ay umuwi na ako, kahit ayokong iwan si Alex dito ay umuwi pa rin ako dahil sinabi ni Mama na kakausapin na ako ni Papa.
"You will do what I said." Papa said sternly.
I held her toes and hugged it.
"Pa, Ayoko po, Please po Papa! Nakikiusap po ako, Pa, ayoko pong umalis dito! Ayoko po Pa!" i cried.
Humahagulhol na ako sa harapan ni Papa, pero hindi pa rin siya natitinag. Pilit niyang inilalayo ako sa mga binti niya.
"Louisse! Tumigil ka na! Buo na ang desisyon ko at wala ka nang magagawa pa!" sigaw niya sa akin habang pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa binti niya.
Humahagulhol lang ako. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil simula pa kahapon ay umiiyak na ako. Simula nang malaman ko na isinugod sa hospital si Alex, ay wala na akong ginawa kundi sisihin ang sarili ko at umiyak ng umiyak.
Nalaman ko rin kung bakit biglang dinala si Alex sa hospital. Sinabi nina Maki at Cel na nakita daw ni Alex yung pinost ni Nico na video namin tapos binato daw ni Alex ang phone niya, then after that umiyak na raw ng umiyak si Alex, hanggang sa nanikip ang dibdib nito at bigla na lang nahimatay.
Ilang beses nila sinabi na wala naman raw akong kasalanan. Pero kahit ilang beses pa nila ito sabihin ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.
"Anak, para rin ito sayo! Tumayo ka na diyan at ayusin mo na ang mga gamit mo! Maaga pa ang alis natin bukas." Malamig na tugon ng aking ama.
Tuluyan niya ng naialis ang aking pagkakayakap sa mga binti niya.
"Ayoko pong sumama, please Pa! Ayoko po!" nakaluhod pa rin ako. Patuloy pa rin sa pag-iyak. Naninikip na ang dibdib ko, pero patuloy pa rin ako sa pagmamakaawa sa harapan ng tatay ko. Hindi ako maaring umalis, kailangan ko pang makausap si Alex. Kailangan ko pag sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Ayokong umalis, dahil ayokong iwan si Alex.
"Ayaw mong sumama?! At ano na naman ang irarason mo sa akin?! Ano?! Huwag mong sabihin ayaw mong umalis dito dahil kay Alex?!" sigaw ni Papa sa akin habang hawak hawak niya ang kanyang sentido.
Alam kong galit na si Papa dahil namumula na ang kanyang mukha.
Bigla akong napatigil sa pag-iyak. Napatungo lang ako at napapikit ng mariin.
Natatakot ako.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya sa akin. Nanatili lang akong nayuko habang tahimik na umiiyak.
"Huwag mong sabihin na may gusto ka sa babaeng iyon?!" sigaw ulit ni Papa.
Nagpalakad lakad si Papa sa harapan ko habang hawak niya ang kanyang noo.
Mas lalo akong kinabahan at nanginig sa sinabi ni Papa.
"P-pa" utal kong tawag sa kanya.
"Louisse! Ano ba namang katarantaduhan ang pumasok diyan sa kukote mo at bigla kang nagkagusto sa babeng iyon!?" angil ni Papa.
Mas lalong lumakas ang paghikbi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Take a chance on me
FanfictionJust your typical JhoBea Fanfic with a twist. I Love you. Your genuine smile. Your laugh. Your beautiful eyes. Even your flaws. I love everything about you, except the fact that your not mine. How can you be mine? If someone already took you away f...