Louisse's POV.
After nung nangyari sa amin ni Alex sa burol ay bumalik kami sa dati.
Naging bestfriends na ulit kami. Nag catch up kami dahil ilang taon din kaming hindi nagkasama. Pinakilala niya sa akin si Cole at Kathy, medyo hindi kaagad kami nagkasundo ni Cole. Ramdam ko din na parang galit siya sa akin.
Pero nung nalaman niya yung naging sitwasyon ko, naintindihan niya na ang lahat.
Naging magkaibigan na rin kami.
Nagbonding rin kami nina Maki at Cel dahil namiss ko sila.
Nagreminisce din kami, tawang tawa kami habang inaalala yung pangbubully nila sa aking noong first year highschool kami.
Sa office naman, casual din kami ni Alex. May time na sabay kami mag lunch at mag miryenda.
Si Kuya Loel pa lang ang nakakaalam na okay na kami.
"Uy, are you okay?"
Nagulat ako ng biglang magsalita si Alex.
"Ah sorry, pagod lang. I'm okay" sabi ko.
Napatingin naman ako sa magkahawak kamay namin.
"Are you sure? Parang napapadalas yung pagtulala mo, is there something bothering you?" she asked again.
Kasalukuyan siyang nagd-drive, coding kasi ako kaya nag volunteer na siya na ipagdrive ako.
"Gutom lang ako siguro, but all is well naman, nothing to worry. Drive ka lang beh. I'm okay" sagot ko naman.
"Sure ka talaga huh? Let's eat dinner na lang. I know a place" sagot naman niya bago saglit na tumingin sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kaniya.
Hindi naman ako makakatanggi sa kaniya.
Pero ang totoo, hindi ko lang matatanggihan ang alok niyang dinner dahil gutom na talaga ako.
Saturday ngayon at parehas lang kakatapos ng work namin.
One month na din ang nakalipas simula nung nagkaayos kami.
Hindi na din ako ang secretary ni kuya Loel. I'm now handling one of the firm of the company. Si Alex naman kakapromote lang, she replaced kuya Loel. Kasi si Kuya Loel na ang bagong executive director ng company.
"Beh, we're here. Gising ka na"
Nakatulog na pala ako.
"Sorry, asan tayo?" kinusot ko ang mata ko habang tinatanggal ang seatbelt.
"You'll find out, Let's go" naunang bumaba si Alex.
Binuksan niya ang passenger seat at hinintay akong makababa.
Pagtingin ko naman sa paligid.
"Dad's?!" gulat na tanong ko.
"Hehehe" sagot niya.
"Beh ang layo nito! Makati tayo galing tapos dumayo ka pa ng Batangas!" singhal ko sa kaniya.
Ganun katagal yung byahe namin?! 2 hours?!
Buti na lang hindi trapik.
Kaya pala alas otso na kami nakarating dito.
"Sorry na, namiss ko lang kumain dito" sagot niya sabay kamot.
"Jusko ko ka Alexandra! Madami namang buffet sa Makati, ang layo pa ng narating mo. Alam mo namang pagod ka dahil kakagaling mo lang ng trabaho. Hindi ka ba napapagod magdrive?" paglilitanya ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Take a chance on me
Hayran KurguJust your typical JhoBea Fanfic with a twist. I Love you. Your genuine smile. Your laugh. Your beautiful eyes. Even your flaws. I love everything about you, except the fact that your not mine. How can you be mine? If someone already took you away f...