Chapter 23

510 14 3
                                    

"You're so unfair!"

"Nye-nye! Whatever you say, I still won. Ako ang highest sa quarterly exam natin sa lahat ng subject! So, I bet you'll gonna treat me over lunch and dinner!" napapa-palakpak ako sa tuwa habang inaasar siya.

Nakita ko naman ang mukha niya, well I can describe It as totally pissed off look.

Namumula siya sa galit at halatang halata na pikon na talaga siya. Pikon naman kasi talaga siya! Halata rin na pinipigilan niya ang kanyang sarili para hindi sumigaw dito sa ground.

Naglalakad kasi kami papuntang parking lot dahil nga ngayon niya dapat ako ililibre, and napagdesisyunan namin na gamitin ang sasakyan ko, mabuti na lang at nandyan si Kuya Kevin, family driver namin, para ihatid kami.

Nagkaroon kasi kami ng pustahan last month, na kung sino ang mas mataas sa quarterly exam namin ay ililibre ng matatalo ng lunch at dinner. Bonus pa nito ay kung sino ang manalo siya ang mamimili kung saang resto or place kami kakain. Kaya swerte ng mananalo dahil bihira lang naman sa aming dalawa ang manlibre, lagi kasi kaming KKB o kanya-kanyang bayad.

Before kasi we talked about being thrifty and about handling our allowance. Hindi naman kasi porke't mayaman ang pamilya namin ay kakain kami lagi sa high class resto, bibili ng mga bagay na hindi naman related sa school and uubusin ang pera sa walang kakwenta kwentang bagay kaya sabi ni Louisse dapat matuto kaming makuntento sa kung anong meron kami and also we should learn how to save money. Kaya whenever we had school gatherings that'll held outside school ay KKB kami, kahit na minsan gusto ko talaga na ako na ang gumastos sa mga kakainin namin ay hindi ko magawa dahil lagi kong nakikita ang magkadikit niyang kilay so no choice.

Kaya ngayon swerte ang mananalo, dahil ito na ang chance namin para gamitin ang naipon namin.

At swerte ako, dahil ako ang nanalo!

"Bwiset! Badtrip ka naman Lex! Tama na yung sagot ko sa number 81 e! Kung hindi ka lang ubod ng kahanginan at tumayo ka pa talaga! Just WOW! Para lang ipakita na tama ang computation mo! Nakakaasar ka!" singhal niya.

Nandito na kami sa parking lot, nandito sa tapat ng kotse, wala pa si Kuya Kevin, dahil sabi ko sa kanya ay magkita na lang kami sa labas ng gate. Marunong naman ako magdrive at may student's license na ako kaya pwede na ako magdrive, kaso ayaw lang ni Mommy dahil hindi pa daw ako hands on masyado baka daw maaksidente pa ako, kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Imbes na matakot ako sa sinabi ni Louisse dahil sa galit siya ay hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa naalala ko ang nangyari na sinasabi niya.

Actually, mas mataas na kasi siya sa akin nung mga oras na yun. Math ang last na tinake namin, and ayun na lang ang last chance ni Louisse dahil sa lahat ng tinake namin ay ako ang mas mataas sa kanya, kung hindi 1 point ang agwat ay 2 points naman, talagang hindi nagkakalayo.

Kaya ayun dun sa number 81 na yun ay hindi naman talaga ako nagyabang mali lang talaga ang computation ng lecturer namin at nagkataon naman na tama ang akin kaya another point na naman yun at dun ako lumamang kay Louisse dahil may plus point ang paper ko dahil nagcompute ako.

Tawang tawa ako sa itsura niya ngayon dahil halos umusok na ang ilong niya sa galit.

"Masaya ka na niyan?" tanong niya na may halong pagkasarkastiko sa boses.

Sumandal siya sa sasakyan at tumingin sa akin habang nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang bewang.

"Sobra-hahahhahahaha" sagot ko naman habang nakahawak sa tiyan.

Pinunasan ko ang luha sa aking mata dahil sa sobrang pagtawa.

"Lam mo beh dapat maging happy ka for me kasi ang taas ng mga test ko!" sabi ko sa kanya habang nakapout.

Take a chance on meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon