"We're here"
Napatingin naman ako sa bintana, ginabi na pala kami.
"A-alex, pasok ka muna" aya ko sa kanya.
"U-uhm, huwag na, gabi na rin kasi kailangan ko pa magdrive pauwi." sagot naman niya habang hindi makatingin sa akin.
Problema nito?
"Dito ka na magdinner, pasasalamat na rin dahil hinatid mo ako."
Kinuha ko na ang bag ko sa likod. Lumabas naman siya ng kotse niya para tulungan ako.
Parehas na kaming nasa labas ng kotse. Nasa tapat na kami ng gate, pero hindi pa rin siya sumasagot.
"Huwag na Louisse, siguro next ti-"
"Shit! Umuulan!" napasigaw na ako dahil biglang bumuhos ang ulan, Lintek na ulan to! Hindi naman kulimlim kanina ah?!
"Shit!"
Binuksan ko na agad ang gate namin, pagkabukas ko rito ay nakita ko si Alex na parang tulala pa, napansin ko rin ang kamay niya na nanginginig?
"Alex! Tara na!" sigaw ko sa kanya.
Pero nanatili lang siyang nakatayo roon. Bakas sa mukha niya ang takot, pinuntahan ko na agad siya. Napansin ko sa mukha niya na para siyang umiiyak, kahit basa na ang mukha niya dahil sa ulan ay napansin ko pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.
Hinigit ko na siya dahil parang wala siyang balak umalis sa pwesto niya. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ay napansin kong naka-lock ito. Kung minamalas ka nga naman! Agad kong kinuha sa wallet ko yung susi . Hawak ko pa rin si Alex. Nanginginig pa rin siya, tinignan ko naman siya.
"Okay ka lang ba Alex? Wait lang, malapit na to"
Pagkabukas ko ng pintuan ay hinigit ko na agad si Alex sa loob, wala na akong pake kung saan ko man naihagis ang bag ko.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakahawak sa kamay ni Alex. Tinanggal ko muna ang pagkakahawak dito, nagulat naman ako dahil biglang tumulo ang luha niya.
"A-alex? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
I caressed her face. Nakapikit pa rin siya ng mariin, hinaplos ko ang kanyang pisnge. I wiped her tears away using my thumb.
"L-louisse" she whispered. Iminulat niya ang kanyang mata ang ipinukaw ang paningin nito sa akin.
Bakas ang takot at lungkot sa mga ito. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort. Pero nag-aalala na rin kasi ako sa kanya. Hindi ko gustong makita na umiiyak siya.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nagawa ko siyang halikan sa kanyang mga mata.
"S-shh, stop crying" i said. Magkalapit na ang mga mukha namin.
"I-i'm s-scared" bulong niya.
Amoy na amoy ko ang kanyang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha.
"Don't be, I'm here. I won't leave you...... again."
She looked at me with her sad face. I smiled at her.
"But I-i'm afraid you might leave me again" she whispered.
Nagulat ako sa sinabi niya, siguro ito na yung oras para makapag-usap na kami. Ito na siguro yung time para balikan namin ang nakaraan.
"A-alex, hindi na ako aalis. Hindi ko kaya na mapalayo sayo" medyo naluluha na ako habang unti unti kong binabalikan ang nakaraan.
"Pero umalis ka pa rin! Iniwan mo pa rin ako! Nakaya mo! Kaya *snobs* k-kayang kaya mo u-ulit akong iwan" sabi niya, bigla siyang bumagsak sa sahig habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Take a chance on me
FanfictionJust your typical JhoBea Fanfic with a twist. I Love you. Your genuine smile. Your laugh. Your beautiful eyes. Even your flaws. I love everything about you, except the fact that your not mine. How can you be mine? If someone already took you away f...