Chapter 19

489 15 2
                                    

A/N: I decided na hindi ko muna lalagyan kung sino ang nagsasalita, pero malalaman niyo naman kung kaninong POV yun, and kapag mag papalit naman ng POV makikita niyo yung ganitong sign.

"~~~~~~~~"







"Hindi naman sa lahat ng oras nandyan ako sa tabi mo para damayan ka."

"Alam ko n-naman i-iyon, pero L-lex... k-kasi may mga bagay lang talaga na hindi ko pa kayang sabihin, sana maintindihan mo." nakatungo siya habang sinasabi niya iyon.

Nasa Park kami ngayon. Madilim na ang paligid, at kami na lang ang tao. Kahit gusto ko siyang patawarin ay hindi ko magawa, siguro nasaktan lang talaga ako.

"Naiintindihan ko naman, pero kasi....hindi sa lahat ng oras maiintindihan kita, minsan kailangan ko rin ng explanation." nakatingin lang ako sa kanya. 

Nakatayo ako sa harap niya habang naka-crossed arms, habang siya ay nakatungo. Bigla siyang tumingin sa akin, bakas ang gulat at lungkot sa mukha niya. 

Gusto kong magalit, gusto kong mag-rant pero... 

"Hindi ko alam,  pero bakit kailangan mo pang mamili. Oo,  hindi mo sinabi kung sinong pinili mo,  pero kahit huwag mo ng sabihin,  kasi halatang halata naman kung sino ang pinili mo. "

"A-alex? Wala akong pinili! Gusto ko lang ay maging patas!" sigaw niya sa akin.

Nagulat naman ako dahil bigla siyang napa-upo sa sahig, umiiyak.

Aish! Nakokonsensya tuloy ako! Dapat hindi ko na siya sinagawan! 

Dali dali akong lumapit sa kanya. Marahan akong umupo sa harap niya. Inakay ko siya papunta ng swing, tahimik pa rin siya habang umiiyak. 

Nang mai-upo ko siya sa swing ay ako naman ay lumuhod sa harap niya para magkapantay kami. 

I wiped her tears using my thumb.

Habang ginagawa ko iyon ay nakatingin siya sa akin. Tinignan ko rin siya habang ginagawa ito. I smiled at her.

"Sshh, huwag ka na umiyak" i whispered. 

Dahil sa ginawa ko ay lalo siyang umiyak. 

"Uy! Tama na iyak, Sorry na...... dapat hindi na lang ako nagalit. Sorry, dapat talaga hindi na kita sinigawan." i said. Nalulungkot ako kasi dapat hindi naman kami hahantong sa ganito, eh. Pero dahil sa masyado akong nagpadalos dalos, ayan tuloy umiiyak si Louisse.

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya dahil hinawakan niya ang aking pisngi. Inilapit niya ang aking mukha sa kanya. 

She kissed me.







She kissed me in my forehead.  

Nagulat naman ako sa ginawa niya, usually kasi ako ang humahalik sa kanya sa noo. And parang ngayon lang ata niya ito ginawa. 

"Don't worry, hindi na ito mauulit. Pasensya na kung kailangan kong maglihim sa'yo. Bestfriend kita kaya dapat lahat ng bagay alam ng bawat isa sa atin, Sabi ko noon dapat hindi tayo nagsisikretuhan, pero ako pa pala itong unang nagsikreto. Sorry na. Bati na tayo, huh?" she asked sweetly. 

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. 

I hugged her very tight.

Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Mas lalo ko'ng isiniksik ang aking mukha sa kaniyang leeg.

Take a chance on meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon