Chapter 25

473 14 0
                                    

Sunday ngayon at narito ako sa Batangas. Nakahiga pa rin ako kahit alas diyes na ng tanghali.

Nakahiga lang ako sa kama, at nakakulong sa kwarto ko.

Nakatingin lang ako sa kisame.

Wala na akong cellphone dahil nasira ito nung isang araw. Hindi na ako bumili ng panibago dahil wala pa naman akong paggagamitan nito.

"Ate!" marahan tawag sa akin ng aking kapatid galing sa labas ng kwarto.

Kumakatok siya sa kwarto ko.

"Ate, kain ka na! Uubusin ko yung pagkain mo sige ka!" pagbabanta niya pa.

Hay, ang baboy talaga ng kapatid ko.

Nasabi ko na lang sa utak ko.

Wala akong ganang kumain, bumangon, maligo at magsalita.

Pinikit ko na lang ulit ang aking mga mata, at hinayaan ang sarili na lamunin ng kaantukan.

PagkapiKit ko ay dire diretsong pumatak ang luha ko.

Hinayaan ko lang mabasa ang buong mukha ko ng aking luha.

Nakatatamad na rin kasi magpahid ng luha.

Hahayaan ko muna ang sarili ko na ilabas lahat ng sakit, lungkot at pagod na nararamdaman ko.

For now, iisipin ko muna ang kapakanan ko, ang nararamdaman ko.

Nagulat ako ng may umupo sa gilid ng aking kama.

Pinunasan niya ang mga luha sa aking mukha.

"Ate" mahinang bulong ng kapatid ko.

Ayoko sa lahat yung nakikita ako ng kapatid na mahina ako.

Bumalikwas ako ng higa at doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinayaan kong mabasa ang unan ko ng aking luha.

Ito yung ayaw ko, yung nakikita ng kapatid ko ang kahinaan ko. Hindi ako sanay na naawa siya sa akin kasi simula bata pa lang kami laging ako yung hindi pala iyak sa harapan niya. Ako yung pa-strong kahit ang totoo naiiyak na ako dahil sa nadapa ako at nadugo na yung tuhod.

Tsaka lang ako iiyak kapag mag isa na ako sa kwarto at talagang wala ng tao.

Kaya ganun na lang din ang epekto ng depression sa akin. Masyado kong kinimkim ang sakit at pinilit magpakatatag kahit ang totoo niloloko ko na lang ang sarili ko.

"Iiyak mo lang yan Ate. Kung ano man yang dinadala mo, alam kong malalagpasan mo yan" sabi ng kapatid ko bago makarinig ng pagsara ng pinto.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagid ang mata ko na lumuha. Umupo ako sa kama ko habang yakap ko ang tuhod ko.

Pumikit ako at inalala ang sinabi ni Ian sa akin kapag naiistress ako.

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

Nagbilang ako simula 1. Hindi pa man ako nakaka 60 ay tumulo ulit ang luha ko.

Siguro aakalain ng iba na masyadong OA ako kasi kaibigan ko lang naman si Alex tapos ganito ako magpakasawi sa kanya.

Ang sakit kasi sa pakiramdam na alam mo naman na tama yung ginawa mo pero mali pa rin sa paningin ng iba. Ang masakit pa ipapamukha nila sayo yung mga pagkakamali mo, hindi man lang nila iniisip na nasasaktan din yung tao.

Ang sarap nilang sampalin!

Pero kasi, kaibigan ko si Alex. Matalik ko siyang kaibigan siya yung inaasahan ko na unang iintindi sa akin, pero mali pala dahil siya pa itong unang nagtanim ng galit sa akin.

Take a chance on meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon