A/n: The first part is the throwback of what happened on Batangas.
"I'm sorry" bulong ko habang nakayakap pa rin sa kanya at nakapatong ang aking ulo sa ulo niya.
Narinig ko naman ang paghikbi niya, kanina ay pinipigilan niya ang kanyang pag iyak pero ngayon ay lumabas na. Humahagulhol na siya sa dibdib ko at medyo basa na rin ang t shrit ko pero wala akong pakielam, dahil ang mahalaga ngayon ay magkasama na ulit kami. Hinagod ko ang likod niya habang umiiyak pa rin.
Ang tagal kong hinintay ang makayakap siya ng ganito kahigpit. Kung pwede lang itigil ang oras ay gagawin ko para lang makayakap siya ng mas matagal.
Pinunasan ko ang luha sa aking mukha at huminga ng malalim. Dahan dahan kong hinawakan ang kanyang balikat at itinulak ng marahan.
I looked at her. Nakatungo siya habang humahagulhol pa rin. Taas baba ang kanyang balikat dahil sa kanyang pag iyak.
I held her face and made her look at me.
"Shh, Tahan na" pagpapakalma ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mukha.
Tumingin siya sa akin, bakas ang takot at pag aalala sa kanyang mga mata, ngumiti ako sa kanya para malaman niya na hindi na ako galit.
"I know I shouldn't said those things. Hindi dapat kita sinisisi sa mga nangyari. Pasensya na kung masyado akon nag over react kahapon. Nasaktan lang talaga ako kasi......"
Saglit akong napatigil dahil nag umpisa na naman sa pag patak ang mga luha ko, pinunasan ko muna ito.
"K-kasi...... iniwan mo ako Louisse at sobra akong n-nasaktan" pagpapatuloy ko kasabay ang paghikbi dahil sa pag iyak.
"K-kaibigan mo rin naman ako Louisse, we're best of friends remember? We shouldn't hide secret from each other, p-pe-pero b-bakit ganun? B-bakit parang ako pa yung walang alam sa n-nangyari sa bestfriend ko? B-bakit parang sa lahat ng k-kaibigan mo, alam nila na u-umalis ka, t-tapos ako na best friend mo hindi a-alam kung anong nangyari sayo? B-bakit? Yes, partly I know that I-I--- I'm the one who made everything worst, ako yung parang naging puno't dulo ng problema, pero Louisse, I also h-have the rights para malaman k-kung ano yung reason b-bakit kailangan m-mong u-um-umalis.." paliwanag ko habang umiiyak.
"S-sorry, hindi dapat kita iniwan. Sorry s-sobrang mali ako" sagot naman niya habang pinupunasan ang luha ko.
"A-alex, h-hindi ko g-gustong i-iwanan ka that time. Gusto ko kasi kapag umalis ako hindi na tayo magkaaway. Kasi diba naaalala mo pa ba noon, nag-away tayo sa loob ng kotse mo. H-hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayari na yun. Kasi hanggang ngayon I still want to know why did you act like that. I want to know the reason kung bakit mo ako iniwasan, lagi akong napapatanong sa sarili ko kung may ginawa ba akong mali sayo kaya ka nag kaganyan kasi hindi ko na k-kaya na everytime na lalapitan kita lumalayo ka sa akin." Paliwanag niya habang pilit na nilalabanan ang paghikbi niya.
Pinagmamasdan ko lang siya habang pinupunasan ko ang luha ko, ayoko munang magsalita dahil gusto kong marinig ang paliwanag niya.
"S-simula nang i-iwasan mo ako, si N-nico na ang naging sandalan ko kaya isinantabi niya muna ang panliligaw sa akin at mas pinili niyang maging kaibigan ko. Ilang beses ko siyang pinagtulakan kasi diba ayaw mong nakikita na mag kasama kami? Kaya kahit kailangan ko nang masasandalan noon ay pinagtabuyan ko siya. Kaya kina ate ella ako lumapit noon, kaso nagkataon naman na graduate na sila kaya hindi ko na sila masyado nakakasama. Kaya nagpursige pa rin si Nico na maging kaibigan ako besides kaibigan ko naman siya bago niya ako ligawan. Sa kanya ko nasabi lahat sakit na nararamdaman ko at mabuti na lang at hindi naman siya nagalit sayo instead pinagtanggol ka pa niya. H-hanggang sa...."
BINABASA MO ANG
Take a chance on me
FanfictionJust your typical JhoBea Fanfic with a twist. I Love you. Your genuine smile. Your laugh. Your beautiful eyes. Even your flaws. I love everything about you, except the fact that your not mine. How can you be mine? If someone already took you away f...