33

372 14 0
                                    

"Nico"






Papalapit na siya sa akin. Napatingin ako kay Alex, seryoso lang ang kaniyang itsura.

Ano ba to.





Bakit ba ako kinakabahan, wala naman akong ginagawang masama. Jusko naman.

Hanggang sa nakalapit na si Nico sa amin.

"Alex?" tanong ni Nico pag katingin sa likod ko.



"Ako to, si Nico" masayang bati ni Nico.

Kinakabahan ako dahil parang nagkaroon ng tensyon simula nang dumating si Nico.




"Oh, Hi. It's been a long time" sagot ni Alex.

Ngumiti naman si Nico.

"Yeah, its been what 3 or 4 years?" tanong ni Nico.



Ngumiti lang si Alex bilang sagot. Pansin ko ang pagkapormal ni Alex kay Nico.

Walang umiimik sa amin. Tila ba nagkaroon ng dead air matapos mag salita ni Nico.

"Uhh, Nico tara na?" biglang lapit ko kay Nico.




"Why don't you come with us? Para naman makapag catch up tayo" tanong ni Nico kay Alex habang nakangiti.




Kung minamalas ka nga naman. Ngayon pa inatake ng pagka Slow si Nico. Hindi niya ba napapansin na awkward yung ambiance naming tatlo?

"Uhm, no thanks. I have plans also" sumulyap sa akin si Alex, napayuko naman ako.

"Ah okay. Sayang naman. Sige we'll get going." sagot ulit ni Nico.




Hihilahin ko na sana si Nico paalis.

"It was nice seeing you both together" biglang sabi ni Alex.





Naginit ang tenga ko sa sinabi niya.

"Thanks, sige una na kami" ako na ang sumagot habang nakayuko pa rin.

Hinila ko na si Nico.



Nang nasa tapat na kami ng sasakyan niya bigla siyang nagsalita.

"Bakit ba nagmamadali ka? I thought okay na kayo ni Alex" sabi ni Nico.

Binuksan ko ang shotgun seat bago sumagot.

"Well, okay naman kami. Not until dumating ka" sagot ko.

Napatigil siya sa pagsuot ng seatbelt. Tumingin siya sa akin. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha.

"Joke! Hahahahahahaja" tumawa ako.

Hindi naman niya ako pinansin, nagsimula na siyang magdrive.



"Oy, Nics. Para joke lang e! Galit ka na niyan?" tanong ko habang tinutusok siya.

"Ewan ko sayo" yun lang sinabi niya.

Napabuntong hininga naman ako.

Pero okay nga ba kami ni Alex? Parang hindi na natapos ang problema naming dalawa. Okay naman kami, parehas lang siguro kaming pagod kahapon kaya ganoon ang nangyari. Bahala na pag uwi.


"Where do you wanna eat?" tanong ni Nico.

"Buffet tayo, libre mo" sagot ko.

"Lagi na lang ako nanlilibre" sagot naman nito.

"Ikaw kaya nag aya na magkita tayo aber?" sagot ko naman. Tumawa naman ito bago nagpatuloy ulit sa pagmamaneho.

Nakarating na kami sa isang Buffet Resto around QC.




Take a chance on meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon