Please read Author's Note, i left some important message! Any decision that i made hope you'll still support me.
Hindi pa naman ito ang huli.
"Hindi ka nga kasi mahuhulog. And if ever you fall, don't worry kasama mo akong mahuhulog"
I don't know why i'm saying those words, like seriously?
Or ako lang talaga ang nagbibigay ng double meaning?
"Ano dalawa tayong mahuhulog?!" she shouted out of frustration.
Napa-smirk ako sa tanong niya.
"Oo, di ba mas maganda yun? Hindi ka mag-isa nahulog kasi kasama mo ako. Parehas tayong nahulog"
---------------------------------
I want to know those persons na nag uusap kanina sa Comfort room. Familiar talaga yung boses.
"Lex! Tara na uwian na!" napatigil ako sa pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Cel.
Uwian na pala. Di ko man lang namalayan ang oras, grabe naman ang time consuming naman nung narinig ko sa banyo kanina. Hindi ko man lang tuloy nalaman kung may assignment ba kami or what.
"Huy! Tulog?" sita naman ni Maki.
"A-ah sorry, wait lang"
Inayos ko na ang bag ko. Kami na lang pala ang nandito sa classroom.
Pagkaayos ko ng bag ay umalis na kami. Sinundo si Cel at Maki dahil may kalayuan ang bahay nila sa school.
Naglakad lang ako pauwi dahil, medyo malapit lang naman ang bahay namin. Hindi na ako nagpasundo kina Daddy, baka makaabala pa ako sa kanila.
I prefer to walk, mas healthy eh.
5:00 na ng hapon. Medyo marami rin akong nakasabay na estudyante galing sa kalapit na school ng school na pinapasukan. Dalawang kanto na lang at subdivision na namin. Pag liko ko ay ako na lang ang estudyante na naglalakad.
Pinagmamasdan ko lang ang paglubog ng araw habang naglalakad.
Miss ko na si Jack.
Naalala ko na naman yung baklang yun! Kamusta na kaya yun? Nasabi na kaya niya sa Mommy niya na bakla siya? Sana okay lang siya.
"Magandang Hapon, Bea!" bati sa akin ni Kuya Peter.
Siya ang security guard ng subdivision namin.
"Uy Kuya Peter!" bati ko rin sa kanya.
Nagfist bomb pa kami. Close kasi kami ni Kuya Peter dahil kapag may occasion sa bahay ay iniimbita siya nina Daddy dahil nga siya ang security guard ng subdi at kung wala siya malamang walang maayos na magbabantay sa buong subdivision. Kalaro ko rin siya pag minsan.
BINABASA MO ANG
Take a chance on me
FanfictionJust your typical JhoBea Fanfic with a twist. I Love you. Your genuine smile. Your laugh. Your beautiful eyes. Even your flaws. I love everything about you, except the fact that your not mine. How can you be mine? If someone already took you away f...