Dec 23, 2017Ahlexie POV
It's Friday.
Hi! I'm Alexandra Caguiao or in short Ahlexie o Boss.
21 years old.Describe myself? Tall, chubby slight and of course beautiful inside and out.
Nandito na naman mga kapatid kong magugulo at asungot.. Dito sila pinapa-iwan ni Mama kapag weekends sa bahay nila Lolo tapos aalis siya. Diba ang galing? Nandito kami sa kwarto.
Ako? Ano ginagawa ko? Nagbabasa ng wattpad.
Habang nagbabasa ako, may istorbo. "Ate, kilala mo si Ricci Rivero?" rinig kong tanong sakin ni Julia pangalawa sa kapatid ko.
"......."
"Uy!"
"......."
"Hindi nga Ate, kilala mo?"
"......."
"Hala siya eh noh! Bat mukha kang tanga na nakangiti ka dyan?"
"Eh! Si Ace Craige pinapakilig ako eh.. Yiiiee!" Nakakakilig talaga ang H.U sarap basahin. Nakakatuwa din si Raze Silvenia yung kapatid ni Ace.
"Ah.. Maganda kwento?"
"Oo. Gusto mo buod ko sayo?"
"Wag na.. Gusto ko mabasa sa libro mismo."
"Haha! Wawa ka naman.. Hindi kasi wattpader."
"Hindi nga Ate. Kilala mo si Ricci Rivero?"
"Hindi, bakit?" Ang kulit nento kanina pa. Sino ba yun?
"Hindi mo kilala yun? Sikat yun." Si RB naman sumabat bunsong kapatid namin.
"Hindi nga."
"Kamo ate gwapo! Atsaka ang galing magbasketball. Talo yung idol mo.." Eh! Di ko nga kilala..
"Sino ba yun?"
"Si Ricci Paolo Rivero Popular Basketball at King Archers ng La Salle."
"Oh? Tingin nga mukha niyan."
"Tignan mo." Sabay pakita naman sakin ni Julia ng picture nito..
Oo nga gwapo.. "Eh! Mas gwapo pa dyan Ronnie Alonte ko eh." Haha! Mema lang..
Fan kasi ako ni Ronnie Alonte ng Hashtags..
"Hindi noh! Mas gwapo to si Ricci kesa kay R2." Ay! Yan tayo eh..
"Wow! Makapagsabi ka dyan parang hindi mo inidolo rin si R2 ah?! Eh yun nga una mong naging bias eh." Tsk! Tsk!
"Oo nga ate Julia. Hindi solid." Buti pa to si RB alam.
"Eh! Basta. Ricci na ako. Pero support ko pa naman si R2 eh."
"Wala! Alisin mo na yan Ate sa Group niyo at GC." Haha! Ito talaga si RB daming alam.
"Oo nga. Naku! Salawahan to. Tapos pag may pic ako kay R2 inggit naman siya. Tapos sabay hingi VG. Ano kaya yun!"
"Syempre Idol ko pa din yun." - Julia
"Naku! AB ka eh."
"Hahahaha!"
"Tawa ka e noh."
"Haha! Si Ate Julia kasi bitter kay R2." - RB
"Ay! Atsaka teh. Kilala ko mga kapatid niya pito kasi sila magkakapatid tapos puro lalaki lang. Walang babae."
"Malamang puro lalaki nga diba? Syempre wala talaga babae. Magulat ka may binabae pala sa kanila."
"Ito teh. Memorize ko."
"Oh. Sinu-sino?" Umayos muna siya ng upo bago nagsalita.
"Una si Rashleigh o Prince kung tawagin, pangalawa si Rasheed, pangatlo si Ricci Paolo, pang-apat si Raegan Angelo o Oleg kung tawagin, panlima si Richard Allen, pang-anim si Ashton and panghuli si Riley o Peppaa kung tawagin."
"Ah. Ok.." Then pagkatapos niya sabihin sakin. Pinakita niya naman sakin mga mukha nung mga sinabi niya.
Sa ngayon di pa ako interesado masyado. Pero nagkakainteres na rin ako. Haha! Gulo diba?
"Tapos teh. May mga tawagan sila sa pamilya nila lahing chinesse kasi mama nila. Si Prince (Ahia) si Rasheed (Dahia) tapos si Ricci (Sahia)."
"Wow! Alam na alam.."
"Syempre fan eh."
"Ngek! Hindi naman lahat ng tungkol sa idol alam ng isang fan." Ay! Wait may nakalimutan akong tanungin.
"Eh. Ano tawag sa pang-apat hanggang pito sa mga kapatid ni Ricci yung tulad rin sa Chinesse name nila?"Nag-isip pa siya. Sabay kutkot sa phone niya.
"Nakalimutan ko. Haha! Basta sabihin ko na lang sayo."
"Haha! Tignan mo to. Di namin din pala alam masyado. Kung makapag-bida wagas!"
"Syempre kikilalanin pa mabuti." - Julia
"Haha! Palusot.com." Sabi ko na lang..
Pag may load nga ako matignan nga itsura nun..
Pero ayoko Ronnie Alonte solid pa din ako..Actually kilala ko yung Ricci Rivero pero naririnig ko lang pangalan niya. Pero hindi ko siya kilala ng gaano.
Nag-taping nga siya sa GGV last day with Ronnie Alonte and Donny Pangilinan.
Si Ronnie Alonte na Kilig King nakilala kong mabait, mapagkumbaba, maalalahanin, madaling makakilala ng fans niya, mapagmahal sa mga fans, kaya lang may girlfriend na siya sa ngayon. :'(
Yung Ricci Rivero na sinasabi ng kapatid ko. Ano naman kaya siya? Tulad nga rin ba siya ng Idol ko? O magkaiba sila?
(A/N: AB means Abnormal)