April 19, 20**Ahlexie POV
Miss ko na siya..
Tuwing mamimiss ko siya, lagi akong nasisight seeing sa mga pictures namin tapos iisipin ko kung ano yung mga memories na meron ako na kasama ko siya sa mga pictures na yun. Hindi ko napapansin bigla na lang akong napapatawa at napapangiti.
Mababaw man ituring. Ka-abnormalan man para sa iba, pero para sakin iba yung dulot na naibibigay nitong saya sa puso ko.
Kahit dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita..
Hindi ako sanay..
Kamusta na kaya siya?
Alam ko namang ayos lang siya. Sana nga..
I miss the piece of me that was lost while missing you, the talks we've shared and the little memories we've created.
Dahil wala akong magawa ngayon kinulit ko na lang si Dyanne atsaka tinawagan.
Calling Dyanne...
["Hello! Oh? Ano problema mo?"] Sagot sakin ni Dyanne sa kabilang linya.
"Be. Ano sama tayo sa 27? Magpapa-book na si Ate Mela para sa ticket."
["Magkano ba ticket and paano yung bayad ko?"]
"200 Lower Box."
["Pano ko babayaran? Nandito pa ko sa Nueva Ecija eh."] Pwede rin paliparin mo papunta dito sa Manila.
"Baka si Ate Mela muna.
Then pag nandun na atsaka na lang natin siya babayaran."["Ah ok sige be, sama tayo sayang din Gilas and Archers na yun haha. Sabay tayo pumunta doon ha?"]
'Sa laki mong iyan maliligaw ka pa?' Sa isip-isip ko.
"Sa Baclaran na lang tayo kitaan, then diretso tayo sa taft. May mga bata kasi tayong kasama eh.."
["Update mo nalang ako be, anong oras ba ang game? Atsaka ba't may mga bata? Haha!"]
"Eh syempre kasama sila, kasabayan din natin sila Reymart di raw kasi nila alam yun. Hindi ko lang alam kung ano oras. Pero dapat maaga tayo sa taft."
["Ay ganon. Go lang. Haha! Baka sa pasig ako umuwi nun be, haha. Yung isang bag ko pwede ba iwanan muna sa taft sa mga pinsan mo?"]
"Ah sige lang be. Oo nga pala lilipat na ng school si Rasheed wala ka ng aabangan sa taft o Benilde. Haha!" Update ko sa kanya. Panigurado hindi na naman niya alam to.
["True ba? Haha.. Saan siya lilipat? Si Rochmond nalang aabangan ko hahaha.."]
"Syempre susundan si Ricci sa UST. Lilipat na sila kasama si Brent. Ewan ko lang kung maiiwan si Prince sa taft." Sabi ko sa kanya. Pagkabanggit kay Roch, "Eeww! Si Roch na suplado at takot sa camera. HAHA!"
["Seryoso? Haha. Suplado siya? Paano? Hahaha! Buti pa si Aljun na lang maabangan. Haha!"]
"HAHA! OO.. Dalawang beses ko na nameet si Roch. Feeling gwapo ayaw magpa-picture. Buti pa si Ricci mabait."
Okay pa kung si Ricci yun tapos ayaw magpa-picture maiintindihan ko pa siguro eh.
["Tang*na nila haha. Ba't di pa buong Manny Team lumipat nang USTE. Haha! Mahal na mahal si Ricci kaloka hahaha.."]
"Haha! Malay mo lumipat nga sila kasama buong angkan ng kaibigan ni Cci. Ang pagkaka-alam ko tatapusin na lang nila term nila sa Taft then sabay-sabay sila lilipat ng UST." May source ako sa taft kaya alam ko. Haha!
["Ay iba din hahaha.. So sa UST na pala tayo tatambay if ever? Haha!"]
"Ganun na nga.. Haha! Syempre Friendship Forever ang peg ng mga kaibigan ni Cci para sa kanya."
["Kahit walang forever? Haha. Taray, pagawan ko nga ng rebulto sa taft iyang Manny Team. Haha!"]
"Haha! Loka ka! Sige na..
Text na lang kita. Malowbat na ako."["Sige.. Bye!"]
Nag end call na.
Haha! Ganyan kami ni Dyanne mag-usap. Pagdating talaga kay Ricci at sa mga kaibigan nito, ang usapan namin relate na relate kami.
Hindi ko nga aakalain na magiging ka-close ko itong babaita na ito. Fan din siya before ni Ronnie Alonte. Hindi lang kami masyado naging close noon. Ewan ko ba kung bakit naging ka-close ko lang ito simula nag-fan ako kay Ricci. Haha!
Pero ayos na rin naman yun kasi may kakwentuhan at kadamayan ako pag tungkol kay Ricci ang usapan. Haha..