April 6, 20**Ahlexie POV
It's already 7am now..
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari..
Hindi ako mapalagay..
Sobra akong nag-aalala para sa kanya.. Kamusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya?Nakaidlip lang ako.
Pero ang totoo wala pa akong maayos na tulog..Dahil wala akong magawa at walang akong makausap, nagtext na lang ako kay Dyanne.
To Dyanne,
Be. May kwento ako sayo tungkol kagabi.. Di ako makatulog nang dahil sa nangyari. Nag-aalala ako..
9:48 amFrom Dyanne,
Tawag ako. Anyare?
9:50 amMga ilang oras biglang tumunog ang phone ko..
*Riiinnngg!*
Dyanne Calling...
Sinagot ko ang tawag niya..
["Be ano kamusta? Ano yung text mo sakin kagabi?"]
"Tungkol kay Ricci."
["Bakit ano meron? Kinakabahan ako sayo, ahh."]
Ayun! Kinuwento ko na detalyado sa kanya yung mga nangyari kagabi.
["OHMY! Totoo?"]
"Oo. For the first time nakita ko siya in personal na umiiyak. Ang sakit pala sa feeling kasi iba yung sitwasyon na nangyayari. Kung nandun ka baka hindi mo rin kayanin."
["Hindi ko talaga kakayanin. Wala ako pakialam kung ano sasabihin ng iba sakin.
OA na kung OA."]"Be, wait lang ah? Charge muna ako. Text na lang ako sayo mamaya." Sabi ko. Then I ended the call. Sabay takbo sa taas ng kwarto para kunin yung charger.
Haysst! Hindi ko alam..
Sobra akong naaawa sa kanya. Yung akala mong perpekto pero ang totoo hindi. Sabagay wala naman talagang perpekto sa mundo.Kumain muna ako bago ako nagtext ulit kay Dyanne upang makipag-chikahan.
Pagkatapos kong kumain nagtext na ako.
To Dyanne,
Nasa batangas si Prince now. Then mamayang 6pm nasa Taguig sila Ricci..
11:52 amUpdate ko sa kanya. Hindi kasi siya online kaya panigurado wala na naman siyang alam.
From Dyanne,
Anong ganap nila doon be?
12:09 pmTo Dyanne,
Si Prince may event ata pupuntahan. Then si Ricci syempre Sir Mark all the way.. Haha!
12:11 pmFrom Dyanne,
Hahaha. Jusko! Li-lo muna siya, pahinga muna siya. Na-stress ako lalo sa lalakeng iyan naku talaga..
12:38 pmTo Dyanne,
Nag-ask ako sa manager niya kung kamusta na si Ricci tungkol doon. Na-speechless siguro sakin. Wala man lang comment.
12:40 pmFrom Dyanne,
Haha! Loko! Hindi yun magsasalita.. Stress talaga me. Huhu! Naaalala ko siya, sabi ko sa pinsan ko nung akala ko ma c-confine ako, sabi ko pag namatay ako agad gusto ko makapunta si ricci sakin, kahit yun lang ok na ko kaya sabi ni ate, hanggang sa mamamatay nalang daw ako ricci pa din? Haha!
12:42 pm