Mar 22, 20**Ahlexie POV
Nandito ako sa bahay nang mga kamag-anak ko..
Dahil Thursday ngayon mag-aabang ako..
Chinat ko si Che at niyaya na mag-abang mamaya..
Tuwing lalabas kasi ako nang bahay at napapatingin sa building nang La Salle parang may humahaplos sa puso ko.
Maya-maya..
"Ahlexie, nandyan yung kaibigan mo sa labas.." Tawag sakin ni Ate Jorina.
Paglabas ko nakita ko nga..
"Uy be! Tara pasok ka dito sa loob. Mainit dyan.."
Sabi ko kay Che.Pagkapasok namin sa loob. Pinaupo ko siya sa papag at nagkwentuhan muna kami..
"Be.. Sa tingin mo makikita natin si Ricci?" Tanong niya.
"Oo naman. Happy T nila ngayon eh. Nandun yun panigurado.."
"Ano nga pala nangyari sa inyo kagabi? Nakita niyo si Ricci?"
"Oo.. Kota na naman si Reymart."
"Mag-aaya kasi gabi na.. Atsaka nasa Bulacan ako hindi na ako makakahabol."
"Ah.. Ayos lang yan bawi na lang tayo ngayon."
"May pic ka kay Ricci?" Tanong niya..
"Wala.."
"Bakit naman?"
Pagtataka niya.."Wala lang.. Ok na akong nakita at nasilayan ko siya."
Nung mga 1pm na na nag-asikaso na ako. Para mamaya makaalis na kami ni Che at baka hindi namin maabutan..
Nandito na kami ni Che sa may Razon nakatambay at naka-upo sa may hagdanan.
Napansin kong mukhang maraming abang ngayong araw.. May mga ilang ibang estudyante rin ang naka-abang sa di kalayuan sa pwesto namin.. May isang grupo rin ang naka-abang. Natatandaan ko sila.. Sila yung nasa SMB sa San Juan.
Maya-maya lumapit samin yung batang lalaki..
"Nandyan si Ricci?"
Tanong ko sa bata."Wala pa.. Hindi ko pa nakitang dumaan yung sasakyan nila."
"Ano ba sasakyan nila?" Tanong ni Che.
"Yung puti. Yung may PRINCE 9 sa taas nang Plate Number." Sabi nung bata.
"Yun nga Che.. Yung pinakita ko sayo kanina na picture." Sabi ko sabay pakita ulit nung picture..
"Ah yan pala yun.."
"Anong oras na?"
Tanong nung bata."Alas-dos palang."
Sabi ni Che."Hala.. Akala ko Alas-kuwarto na. Napa-aga tuloy punta ko." Sabi nung bata sabay kamot nang ulo niya..
"Saan ka ba galing?"
Tanong ni Che."Sa bahay namin kakagising ko lang.." Sabi nito sabay hikab.
Nandito kaming tatlo nakaupo sa may hagdan nang Razon. Habang nagkukwento samin yung bata.
"Sandali lang ah. Tignan ko dun.. Balitaan ko kayo."
Sabi nung bata..Maya-maya..
Dumaan yung puting kotse.
"Ayan na!" Tili ni Che.
Ingay naman nento..