Mar 1, 20**Ahlexie POV
Marso na. Ang bilis talaga lumipas ang araw. Hindi mo aakalain kakalimutan ka na naman niya. Chos!
Hindi na rin masakit yung paa ko dahil sa pagkakatapilok ko nung nakaraang linggo.
Nakakalakad naman ako pero ramdam ko pa rin sa may buto ko yung bukol at pamamaga. Kaya nahihirapan akong maligo kasi hindi siya pwedeng basain.
Pwede na ako ulit gumala. Haha! Para naman ma-exercise.
Yari talaga sakin yang si Ricci. Aba! Ang tulis nang dila para magkanun ako ng agaran.
Nasa bahay palang ako.. Nagkakayayaan na naman mag-abangan sa Taft. Si Che at Reymart lagi pasimuno sa yayaan sa abang.
Pupunta naman talaga ako sa Taft kasi uuwi ako ng Manila para magpahilot sa Tita ko at mag-apply ng trabaho kinabukasan.
Nasa biyahe na ako nang mag-text kay Mama.
"Ma, Punta lang ako Leveriza. Subukan ko lang pahilot ung paa ko kay Tita Letty. Pero ok na rin naman siya.."*Ting!*
"Pahilot mo iyang paa mo kay Tita Letty mo ah." Sabi ni Mama pahilot ko raw para gumaling na agad.
Pagdating ko sa Taft La Salle dumiretso na ako at hinanap sila. Wala sila sa may hagdan ng Green Podium kaya naglakad pa ako ng kaunti at nakita ko sila Che at Jan Mariel sa may tapat ng Andrew Hall.
"Oh! Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko sa kanila.
"Oo kanina pa. Akala namin hindi ka na pupunta eh." Sabi naman ni Che.
"Hindi ah.. Hindi naman ako tokis. Nakita niyo na si Ricci?"
"Oo nakita namin." - Jan Mariel
"Oo, Boss. Dyan kanina dalawang beses nung una kumain doon sa may Agno tapos dito siya pumasok sa may Andrew Hall."
"Nakapagpapicture na kayo?"
"Hindi pa. Paano nagkakahiyaan pa kami ni Jan Mariel. Sayang nga eh." Aww.. Sayang naman..
"Kay Brent lang kami may picture. Si Prince nandyan din eh. Pero wala kami picture sa kanya nagmamadali siya eh."
"Ba't wala pa si Reymart? Sabi niya pupunta siya.
Chat mo..""Ewan ko dun. Hindi na online eh. Si Yman pupunta din."
Madami pala kami mag-aabang ngayon. Akala ko iilan lang din..
"Wag tayo dito. Dun tayo sa 7-Eleven. Nakakahiya unang bungad agad." Yaya ko sa kanila sa 7-Eleven. Baka kasi pag nakita kami ni Ricci naka-abang umatras agad at sa iba lumabas.
"Jusko! Ang gwapo ni Ricci ngayon. Nakaputi siya na damit. Pak! Soulmate sila."
Sabay tingin sakin. Hala siya!"Haha! Loka to.. Oh! Ayan na pala si Reymart eh."
Nung malapit na siya sakin sabay beso ko sa kanya. "Hello beh."
"Hi Be. Jusko traffic."
Pinakilala ko naman siya kay Jan Mariel.
Maya-maya..
Dumating na rin si Yman at sumunod na dumating ay si Aura kasama mga schoolmates niya. Actually galing pa silang Las Piñas. Grabe ang layo ng biyahe.
Ang iingay pa ng mga bata dito sa may 7-Eleven. Puro Ricci ang mga naririnig ko kesyo ganto at ganyan.
"Uy! Si Brent. Hi! Brent.." Tawag ni Che. Mygash! Bakit niya tinawag. Nakakahiya!
Tumingin dito sa may pwesto namin sa 7-Eleven sabay ngiti..