Feb 22, 20**Ahlexie POV
1 week & 4 days passed.
Hindi ako nag-abang..Nagkayayaan kami ni Reymart na mag-abang ngayon sa La Salle.
Ang usapan namin 3pm nandun na. Pero mukhang hindi ako aabot at mga 4pm pa ako. May dinaanan pa kasi ako sa SM Bacoor.
Nasa Metro Point na ako sa may Edsa Taft pasakay nang Divisoria. Tapos bababa sa may Green Mall. May nakatabi ako sa jeep. May itsura hawig ni Tony Labrusca nakaputi na shirt siya tapos pantalon. Tapos yung katawan may pagka Ricci na kaunti.
Pakiramdam ko may humaplos na naman sa puso ko. Parang alam ko na mangyayari mamaya. Hindi tulad dati hindi ko naman ito nararamdaman pero pinang sawang bahala ko muna. Ayoko umasa.
Nung pagbaba ko sa may taffic light sa taft tumawid na ako. Papasok na ako banda sa may gilid ng Green Podium.
Malayo palang ako kaunti parang may naaaninag na akong kilalang tao. Nung nakilala ko na kung sino kinabahan na ako..
Kasama niya mga kaibigan niya. Napatingin ako sa gawi niya pero umiwas agad ako ng tingin. Unang bungad ko palang siya na agad nakita ko pero dumiretso parin ako nang lakad na parang patay malisya lang at tumungo sa meet up namin ni Reymart sa 7-Eleven..
Pagdating ko sa 7-Eleven wala si Reymart. 'Nasaan na kaya yun?' Tanong ko sa isip ko.
Mula dito sa 7-Eleven tanaw ko parin siya.. Nagsuklay lang ako tapos konting ayos sa sarili. Hindi ko alam gagawin ko. Syempre hindi ko na papatagalin ito..
Inayos ko muna yung mga dapat ayusin na banner na ipapapirma ko sa kanya. Hinanda ko na rin yung ballpen. Siguro ito na rin yung time para makilala at maipa-Official ko na sa kanya yung fandom na gawa ko..
Nung palakad na ako papunta sa kanya may nakita akong dalawang estudyante sa may hagdanan ng Green Podium may kausap na guard.
Nahihiya sila tawagin si Ricci kaya nagpapatulong sila sa guard. Tapos nagpapatulong rin magpapicture. Yung guard naman hindi ni Ricci masyado napapansin kasi nakatalikod siya banda sa mga ito..
Kaya si ako naglakad loob. Lumapit nang kaunti sabay sabing, "Ricci, papicture raw sila." Sabay turo ko naman sa dalawang estudyante. Tumingin naman siya sakin. Sabay tingin sa dalawang estudyante at lumapit.
Nung pagtapos nung dalawang estudyante sa picture ako naman ang sumunod. Si Ricci biglang tumalikod na at humarap sa mga kaibigan niya.
Binigay ko na kay Manong Guard yung cellphone ko. Laking papasalamat ko talaga at hindi siya tinopak. Dahil si Reymart hindi ko mahagilap..
Tinawag ko siya. "Ricci pa-picture naman ako."
Hindi siya lumingon. Nung kinalabit ko siya sa balikat at sabay sabing, "Ricci, pa-picture na." Doon na siya lumingon.
Nung tapos na yung picturan hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ako mapakali. Nagdadalawang isip ako kung lalapit pa ako. Dahil naisipan kong magpapirma ng banner.
Si Ricci kasi nasa may banda gilid na at kung anu-ano lang ginagawa habang nagkukwentuhan yung mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung kanino ako lalapit yung dalawang estudyante biglang namang nawala. Napagpasyahan kong kay Prince na lang lumapit.
"Kuya Prince, pwede magpa-Official ako ng fandom kay Ricci?" Pagpapaalam ko.
Tumingin naman siya kaagad. "Sure. Ayan oh.." Sang-ayon niya. Sabay turo kay Ricci.