[9] Snob

74 2 0
                                    


Feb 10, 20**

Ahlexie POV

Nandito kami ni Julia pa-biyahe pa-Manila. Biglaan ang lakad. Nagtext sakin si Dyanne na nasa La Salle raw si Ricci may nakapagsabi kasi sa kanya na dating costumer niya sa make up. May event raw at nasa loob pa.

Kaya ito kami gogora..
Kapag biglaang lakad kasi natutuloy kumpara sa pinaghahandaan minsan napupunta lang sa drawing.

Dito palang kami naglalakad sa may Harizon Plaza. Malolowbat na ako kakatawag ni Dyanne.

Ito mga text niya sakin.
"Saan ka na?"
"Dito ako sa may Savemore tapat ng Gate 6."
"Wait kita dito.."

Hindi ko pa naman alam itsura niya dahil first time lang namin din magkikita. Pero matagal na kami nagkakausap sa chat.

Nandito na rin kami sa may kanto papaliko sa may Savemore. Wala naman ibang tao dun kundi yung matabang babae na matangkad lang.

Papalapit pa lang ako. Lumapit na din siya sakin.

"Ikaw si Ahlexie?"

"Yeah! Hello."

"Sabi sakin nung friend ko na taga dito din sa La Salle nandito raw si Ricci. Ewan ko kung nakalabas na."

"Ahm! Si Julia nga pala kapatid ko." Pagpapakilala ko naman sa kanya.

"Hello! Julia po." Pakilala sa kanya ng kapatid ko.

"Dyanne Constantino." At nagbeso-beso sila..

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko.

"Hindi naman. Tama lang."

"Ah. Mabuti naman." Nakakahiya naman pinag-antay namin siya..

Naglakad-lakad kami sa may Agno. Tumigil kami sa may gilid nang kainan sa may banda ng halaman at doon tumambay. Bale tapat ng dorks.

Kwentuhan lang tungkol kay Ricci ang napag-usapan namin at sa kung anu-ano pa.

Maya-maya naisipan namin maglakad-lakad sa may Agno. pagkatapos bumalik rin kami agad at huminto sa tapat ng Tori Box sa may poste ng dorks..

Tumambay rin kami saglit.

Maya-maya..

Biglang may lumabas na apat na lalaki sa Tori Box.

"Ohmy! Sh*t si Ricci." Sabi at hampas sakin ni Julia.
Kikiligin na lang mananakit pa. Tsk!

"Saan?"

"Ayan oh! Palabas nang Tori Box." Sabay turo niya.

"Si Ricci ba yan?" Tanong naman ni Dyanne. "Di ko makita masyado." Nangliliit mata ni Dyanne.

"Oo nga.. Si Ricci ba yan? Parang hindi naman ang liit. Matangkad konti sakin yun eh." Sabi ko. Eh! Kasi parang hindi siya, kasi ang liit ng tingin ko sa kanya..

"Si Ricci nga yan. Tignan mo mabuti.." Pamimilit ni Julia.

Lumabas na sila Ricci sa may Tori Box kasama mga kaibigan niya. Tumawid sila sa may harap nang Green Podium at huminto sandali sa itim na kotse.

"Tawagin niyo na kung si Ricci nga yun." Sabi ko sa kanila.

"Eehh! Nahihiya ako eh.. Kasama niya mga Manny Team." Sabi ni Julia.

Toinks! Walang mapapala kung magkakahiyaan pa..

"Oo nga si Ricci yan.. Ayan yung gamit niya nung nakaraan na Green Titan shirt atsaka yung eye glasses niya." Sang-ayon naman ni Dyanne.

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon