Jun 04, 20**
Ahlexie POVNagkayayaan kami ng kapatid ko na ituloy na yung naudlot kahapon na gala ngayon. Pero hindi ko naman alam kung saan kami pupunta..
Dapat kahapon pa talaga kami aalis, pupunta sana kami sa laro ni Daniel Padilla sa PBB Court at manonood, kaya lang tinamad ako. Hindi rin kami natuloy..
Nag-iisip ako ngayon ng biglang nagtext si Julia.
From Sis Julia:
Ate tuloy ba tayo? Ano oras aalis?
11:10 amHindi ko nga alam kung tutuloy ba o hindi eh.
Naguguluhan ako..
Saan ba pwede pumunta?
Habang nag-iisip ako, nagtingin-tingin muna ako sa facebook ko.
Habang nag-scroll down ako. Naisip ko bigla, nakakainggit yung mga Member ko na may picture kay R2 ngayon, na wala dati. Sana lahat..
Kailan kaya ako babalik?
Nakakamiss rin pala maging fangirl ulit ni Ronnie Alonte.
Mag-ABS na lang kaya kami?
Kung mag-ABS naman kami panigurado may picture at kokota pa kami kay R2 kasi alam ko naman kung ano oras at saan labasan niya.
Pero biglang pumasok naman sa isip ko na may laro nga pala mamaya si Ricci sa Filoil.
Kalaban ang MAPUA.Mag-FILOIL na lang kaya kami?
Kung magfi-filoil naman kami hindi kami makakanood ng Live dahil kulang pera namin. Edi abangers kami sa labas.
Mananalo naman kaya sila?
Kung talo sayang lang effort namin, lugi kami dahil hindi lalabas yun si Ricci at magpapapicture.Ganun kasi yun.. Pag talo Gilas talo rin mga fans niya sa kanya
Hayss! Ang hirap talaga mag-isip..
Ang hirap kapag dalawa ang idol mo, lalo na nasa magkaibang lugar pa sila. Hindi mo alam kung sino ang pupuntahan mo.
Bago pa ako mag-isip na kung ano ulit, nagreply na lang ako kay Julia.
To Sis Julia:
Oo tuloy tayo. Mga 1pm alis na tayo. Maligo ka na..
11:30 amPero sino nga ba ang dapat piliin?
Pagkatapos kong magreply sa kapatid ko. Bumalik na lang ulit ako sa pagfa-facebook.
It's already 12:30 pm pero hindi pa rin ako nag-aasikaso.
Saan ba kami pupunta?
Hayss! Bahala na nga..
Mga 12:50 nag-asikaso na akong maligo.
Mga 1:20 natapos yung pagligo ko. Habang nagbibihis ako tumingin ako sa phone ko. May 2 missed calls and 1 messages ako galing kay Mama. Panigurado si Julia yan.
Binuksan ko yung message.
From Mama:
Ate ano na? Saan ka na raw?
1:00 pmHindi na ako nagreply. Tutal papunta na rin naman ako sa bahay nila. Actually hiwalay yung house namin, pero walking distance lang naman.
Habang naglalakad ako napapa-isip ako. 'Saan kaya kami pupunta? Ito yung gala namin na wala akong kasigaraduhan.'