April 11, 20**Ahlexie POV
Nandito kami ngayon ni Che sa Taft 7-Eleven kasama namin yung dalawang babae noon na abang din kay Ricci.
Sabi kasi ni sakin Harvy pumunta raw kaming Taft at baka makita ulit namin si Ricci, kaya ayun nagkayayaan na naman kami.
Mag-iisang linggo na nang huli ko siyang makita. Kaya susubukan ko at baka makita ko siya ngayon.
Nandito kami ngayon sa 7-Eleven sa labas at nakaupo. May pinagkukwentuhan naman yung mga tropang bata sa likod namin tungkol sa kung saan nang magsalita si Harvy.
"Si Boss Brent nga pinapalayo ako dito kay Ahlexie eh.." Rinig kong bulong niya.
"Bakit?" Tanong ko pagkarinig ko sa pangalan ko. Na-curious ako..
"Bakla ka raw sabi ni Boss Brent.." mahina niyang sabi. Yung tipong ayaw niya rin iparinig. Nahihiya siguro..
Ano daw?
"Sino nagsabi? Ako? Bakla?"
"Ay! Bakla ka raw Boss sabi ni Brent kay Harvy."
Singit ni Che.SINABI NI BRENT YUN?!!
NASAAN YUNG BRENT NA YUN? GEGERAHIN KO!!
PAGKATAPOS NILA AKONG PAG-TRIPAN NI RICCI NUNG MGA NAGDAANG ARAW AT BUWAN. GANUN LANG??
HUSTISSYYAA PLEEEAASE!!
"Paano pagkakasabi?" Paniniguro kong tanong.
"Sabi kasi sakin nung nakaraan, ayun yung vini-video'han kayo dito ni Brent sa may Razon nung nakaupo kayong dalawa dyan tapos dumaan kotse niya.." Turo niya sa may Razon. Ah! Oo natatandaan ko yun.
"Tapos?"
"Sabi niya, wag raw ako lumapit dun sa matangkad. Sabi ko, kanino? bakit?
Sabi niya, dun sa nagpapa-picture samin ni Ricci yung palaging abang. Bakla ba yun? kasi parang bakla eh. Sabi ko naman, hindi bakla yun Boss babae yun, yung kasama niya na isa na maigsi buhok yun ang bakla. Tapos sabi ko, atsaka tropa yun. Mabait yun.. Ayun! Tapos sumang-ayon na lang siya.."NAKU NAMAN TALAGA!!!
NASAAN YUNG LALAKI NA YUN??
SINONG BAKLA SAMIN NG KA-BROMANCE NIYA?
"Ay! Haha! Napagkamalan kang bakla ni Brent, Boss." Sambit ni Che. "So, ibig sabihin babae ako sa paningin ni Brent. Haha!" Tumawa pa siya wala man lang pag-support. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Dahil baliktad paningin niya.. Sabihin mo halikan ko kamo siya para magkaalaman kami.." Bulong ko lang. Syempre hindi ko pinarinig. Narinig naman ni Che kasi nasa harap ko lang siya.
"HAHAHA!!" - Che
"Sabihin mo sa Boss Brent mo sabunutan kamo kami pag sumabunot ibig sabihin babae yun.. Pero pag sinuntok ko siya ibig sabihin lalaki ako o vice versa.."
"Haha! Wala yun Boss pinagtanggol naman kita eh."
"Salamat!" Sabi ko na lang.
Pero kahit ganun hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi nga yun ni Brent.
Hindi ako makapaniwala na sa paningin ni Brent,
BAKLA AKO!NAKU BRENT!! KAILANGAN MO NG MAGPA EO MALABO NA MATA MO. HAHA!
Maya-maya..
"JORDAN!!" Sumigaw si Christian. "Uy! Pa-picture na kayo." Sabay tinawag niya.