[15] Looking Into Your Eyes

70 1 0
                                    


Mar 15, 20**

Ahlexie POV

Nagkayayaan naman kami nila Che at Jan Mariel mag-abang ulit sa La Salle.

Pagdating ko sa Taft hindi ako dumaan dun sa gilid ng Green Podium hindi ko alam bakit ayaw ko. Kaya dumaan ako sa Green Mall.

Paglabas ko sa Green Mall nakita ko na agad sila Che sa may gilid nang hagdanan ng Gate 6. Pagkakita ni Che sakin kumaway agad siya sakin.

Pagdating ko sa pwesto nila.
May iba rin sila kasama. Nagtanong na ako.

"Nakita niyo na?"

"Hindi pa nga Boss eh."
Sabi agad ni Che.

"Bakit?"

"Parang wala yata eh..
Si Brent lang nakita namin. Pero hindi kami nagpa-picture. Nahihiya kami lapitan. Tapos si Bernice at Eunice lang atsaka yung ibang Archers kami nagpapicture.." Mahabang salaysay ni Che.

"Ako nga kakarating ko lang din dito eh. Mga ilang minuto lang din sayo.." Sabat naman ni Jan Mariel.

"Ah. Akala ko nakita niyo na. Pagbaba ko palang kasi dyan sa Taft kinabahan na ako eh."

"Parang wala nga eh. Pag wala bawi na lang next time. Ganun talaga. Pero sana nandyan si Ricci."

"Nandyan yan. Ramdam ko." Sabi ko..

Ang lakas ng radiation ko kay Ricci. Haha!

Walang biro ramdam ko talaga nandito yun eh.

Mga ilang oras..
May nakita akong dumaan na kotseng puti tapos pumasok sa parking nang Sports Complex. Pero napansin ko lang naman..

Maya-maya..

Dumaan yung bata na tropa-tropa nila Ricci at TMT.

"Nakita niyong dumaan yung kotse? Yung may 9 sa plate sa harapan. Nandyan na umakyat na sa taas. Si Prince nagda-drive.." Sabi nung bata..

OHMYGASSH!! O_o

So, ibig sabihin ilang minuto lang ako nung dumating kanina. Atsaka naman sila dumating din..

"Oo may napansin ako. Pero di ko akalain sa kanila yun." Sabi ko.

"Sa kanila yun.. Hintayin niyo. Pababa na yun." Sabi nung bata na lalaki sabay alis niya. Ang bait niya. Swerte niya sana lahat tropa ni Ricci..

Tumayo si Che pagkarinig niya sa sinabi nung bata.

Mga ilang saglit. Biglang nagsalita si Che at humiyaw..

"Nandyan na.. Ang gwapo.." Sabi ni Che.

"Weh?"

"Oo nga. Halika dito.."
Yaya sakin ni Che.

Pagkatayo ko at pagsilip sa Razon nakita ko si Ricci nag-cecellphone kasama si Prince pababa ng hagdan..

Nakita ko siya at alam kong napansin niya rin ako..

Malapit ang Razon sa Down Town kaya pag may soundtrip rinig na rinig.

Ang ganda ng timing nung kanta. Pang-asar lang..

Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo

"Nahihiya ako Boss.."
Sabi ni Che. Hala siya. Pakipot na naman ito. Kahit kanina gustong-gusto na..

"Sige na.. Magpapicture ka na. Mamaya wala na yan." Pilit ko kay Che..

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon