Feb 6, 20**Ahlexie POV
9:30 na ako nagising..
Maaga na ito kumpara sa dati na 10:30. Haha!Ewan ko ba.. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa kagabi.. Binabagabag ako ng isipan ko. Hanggang sa pagtulog ko kagabi at sa paggising ko ngayon hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa labi ko..
Magpapalit na kaya ako ng Dp? Nalulungkot na excited ako. Nalulungkot kasi hindi na kaming dalawa ni Ronnie Alonte ang profile ko. Excited kasi si Ricci Rivero na.
OHMYGASH!!
Hindi ko alam ika-caption ko.
Na-iistress ako.. Waahhh!!Ano ba magandang caption?
Syempre first time lang eh..
Kailangan mahaba. Haha!
So.. Ito na.
This is it! Super Unexpected! Super Gwapo niya talaga.. MyGash!! Nakakaiyak! Na Nakakakilig! Yung muntanga ako kagabi sa biyahe dahil di ko mapigilan kiligin. Kung dati nag-iimagine lang ako na makita siya at nagdadasal kay God at dun sa Lunar Eclipse. Ngayon nakita ko na siya.
Haha! Thank you Ricci.. Kahit na alam ko urat na mukha mo kasi dinumog ka at pagod dahil sa practice. At di ka sanay sa daming tao na halos lahat kagabi sa GYM ikaw gusto mapicturan. Salamat kasi pinagbigyan mo parin kami. Worth it! Akala ko nga di na ako makakapagpapic sa kanya kasi naaawa na ako sa mukha niya. Salamat sa tumulong.. Sa uulitin ulit. Love You Cci.. See You Soon Again! #RicciRivero #Sahia
Yan yung caption ko. Haba diba? Haha! Pamatay..
Pero totoo nag-wish talaga ako sa Lunar Eclipse. Ginaya ko pa nga yung sinasabi ni Malia yung bida sa La Luna Sangre yung lagi niyang sinasabi pag humihiling at natingin siya sa buwan.
'Hindi sa tala sa langit,
Kundi sa buwang nakasilip.
Ibigay ang hiling
Ng matang nakapikit.'Tapos humiling din ako. Bago din ako matulog hiniling ko rin kay God na sana bigyan ako ng pagkakataon para magkita kami ng personal ni Ricci hindi yung sa panaginip ko lang siya nakakasalamuha.
Hindi ko aakalaing magkaka-totoo. Ganun naman talaga diba? Once na humiling ka kay God, sobra pa sa hiling mo yung ibibigay niya sayo.
Kaya sa mga hindi pa nakikita nang personal si Ricci at nakakapapicture lalo na sa mga Team Malayo wag kayo mawawalan nang pag-asa. Hindi masamang umasa wag lang sosobra..
Hindi ko lang sa Facebook pinost kundi sa Instagram at Twitter na rin. Baka sakaling mapansin ni Ricci. Pero alam kong malabo. Pero wala naman masama kung susubukan, hindi ba?
Julia POV
Habang nag scroll down ako sa facebook. May napansin ako. Ito ang napansin ko.
Ahlexie updated her profile picture.
OHMYG!!! O__O
May picture na sila ni
RICCI RIVERO?!Buti pa si Ate Ahlexie may picture na ni Ricci Rivero.
Ako wala pa din.. Huhu!8 months na akong fan ni Ricci hindi rin naman ako Team Malayo. Tinalo pa ako ni Ate Ahlexie na 2 months palang fan ni Ricci may picture na agad..
Sabagay deserve naman niya kasi pinaghirapan niya..
Huh! Hindi ako magpapatalo..
Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Balang araw dadating ang panahon magkakaroon rin kami ng picture ni Ricci Rivero.
At yun ang hinihintay ko..Kaya sa mga fangirls out there wag kayo mawawalan ng pag-asa. Basta pag nabigyan kayo ng chance ni tadhana kahit alam mong mahirap at malabo na makapunta ka. Gawa ka lang paraan. Just grab the opportunity..
Sabi nga nila. "Kung gusto may paraan, pag ayaw ang daming dahilan." Wag ganun bes! Ang tagal mong pinangarap at hiniling tapos nung andyan na hindi mo man lang kukuhanin yung pagkakataon.
Sa tinagal-tagal kong fangirl sa mga ganyang sitwasyon ikaw ang lalapit kay swerte. Hindi si swerte ang lalapit sayo. Hindi naman kasi yun pera.. Haha!
Kaya chinat ko si Ate Ahlexie.
Ako: Ate VG ko?
*Ting!*
Ate Ahlexie: Wala eh.. Nagmamadali si Ricci.
Ay! Naku! Lagi naman ganyan sinasabi niya eh. Kahit noon kay R2 -_- Pero sabagay hindi ko rin siya masisisi..
AKO NA!
AKO NA BITTER!
NAKAKAINIS!!
Huhu! Nakakainggit.. T_T
SANA LAHAT..