[4] Unexpected Dream

121 2 0
                                    


Jan 22, 20**

Ahlexie POV

Nagising ako na nasa isang jeep ako. Hindi ko alam pero bigla akong nagpara. Kahit hindi pa ito ang siguradong destinasyon ko.

Isang lugar na hindi masyado pamilyar sakin.

Nasa parang kalye ako.
Pero walang dumadaan na mga kotse. Puro mga damo lang o dayami ang nakikita ko.

Pero may iilan namang mga bahay sa dulong bahagi ng daan. Sa kaliwang gilid ko may construction site.

Ang lugar niya ay yung klaseng lugar na parang C5. Tapos bihirang mga sasakyan lang ang mga dumadaan.

Paano ako napadpad dito?

Tumingin-tingin ako sa daan nagbabakasakaling may taong makita.

Paglingon ko sa kanan na bahagi ko nakita kong may palakad sakin kaunting metro ang layo niya.

Isang lalaki na mas matangkad pa sakin. Siguro kung oobserbahan mga nasa 6'4" ang taas niya.

"Hey!" Pansin niya sakin.

"Hi!" Balik pansin ko naman sa kanya.

Pansin ko sa kanya ang cute niya lalo na pag ngumingiti.
Ang sarap pisilin ng cheeks niya.

Umupo kami sa may gilid ng daan. Malapit sa puting kotse.

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya parang close na agad kami.

Madami kaming napagkwentuhan at puro tawanan lang din. Yung iba hindi ko na maintindihan.

May tumatawag sa kanyang phone. Pagbaba niya sa kausap. Maya-maya nagpaalam siya sakin.

Tumawid siya sa kabilang bahagi ng daan.

Susundan ko sana siya kaya lang napatigil ako ng may dumating na kotseng itim.

Lumapit siya rito at kinausap yung taong nasa loob nito.

Hindi ko makita kung sino ang taong kausap niya pero pakiramdam ko bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong meron sa loob ng dibdib ko. Pero napahawak ako agad dito.

Paglingon ko ulit sa gawing kabilang daan kung nasaan yung nakausap ko kanina.

Nakita kong may bumaba sa kotse na hawig nung nakausap ko kanina lang, matangkad rin na lalaki, payat na naka gray shirt at black short na khaki may kwintas rin ito na gold.

Kung oobserbahan ang taas nito ay parang nasa 6'3" ang height niya.

Nagkatinginan kami.

Palakad siya papunta sa gawi ko.

Habang palakad siya patungo sakin naisip ko at napagtanungan ko ang sarili ko..

Bakit may hawig siya?

Bakit pamilyar sakin ang mukha niya?

Nagkita na ba kami?

Parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan.

At bakit parang kilala siya ng puso ko?

Hindi ko namalayan unti-unti na pala siya nakalapit sakin.

Ngayong nasa harap ko na siya. Anong gagawin ko?

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon