[7] Meet Him

120 2 0
                                    


Feb 5, 20**

Ahlexie POV


Nandito na ako sa Mcdo sa meet-up namin. Nagtatampo na kasi si Buchang last time pa siya nagyayaya para mag-abang sa ABS at makita si R2.

"Uy! Mga beh kanina pa kayo? Sorry na-late.."

"Oo kanina pa kami dito kakaantay sayo. Jusko!"
Sabi ni Ysang.

"Haha! Tara na't maglakad-lakad."

Nandito kami sa ABS kasama ko sila Buchang at Ysang mga kaibigan at member ko sa fan ni Ronnie Alonte.

Nagpasama kasi si Buchang samin ni Ysang na mag-abang. Aabangan namin si R2 sa MPLACE tutal miss ko na rin siya.. Kahit na kakakita lang namin nung Friday..

Then mamaya naman may pupuntahan ako sa may Pasig. Diba gala si Dora? Haha!

"Ano saan tayo punta?" Tanong ko sa dalawa.

"Nakita namin sila Jan Mariel kanina. Mga nag-aabang din. Tignan natin sa BAYO baka nandun sila.." - Ysang

"Ah.. Sino mga kasama nila Jan Mariel? Wala ba kayo pang update para malaman natin kung nasaan sila R2."

"Marami sila eh. Ito sa IG meron. Nasa Sketchers sila eh. Saan ba yun?" - Ysang

Habang naglalakad kami pa-BAYO nakasalubong naman namin sila Jan Mariel at ang iba pa na kilala ko at ka-member ko rin kay R2 sa Fandom namin..

"Nakita niyo sila R2?" Tanong ko sa kanila.

"Oo nakita namin dumaan sasakyan niya na Gray dito di namin alam kung saan papunta." - Jan Mariel

"Nasa Sketchers sila. Magkasama ang LoiNie ngayon. Saan ba yun Boss?" Biglang sabat ni Angelica na taga-Laguna.

"Ewan ko. Pero baka sa Trinoma." Sabi ko naman.

"15mins ago na ito update. Ano balak niyo? Tara lakad lakad muna. Ikutin natin ABS baka may makita tayo.." Sabi naman ni Iyayow

"Tara!" Sang-ayon naman ng iba. Kaya sumama narin kami sa kanila..

Habang naglalakad kami sa may Ministop. Nakita kong dumaan yung kotse ni Tom Doromal umikot ito pa-Broadcasting.

"Uy! Kotse ni Tom Doromal yun takbuhin niyo na." Sabi ko bigla. Tinakbo naman nila kaagad. Para kahit papaano hindi kami hopia.

Ganto talaga kami. Takbo dito takbo doon. Lalo na pag nakita namin kotse ni Ronnie Alonte. Tatakbuhin talaga namin makapagpapicture lang.. Kaya sobrang hirap. Pero worth it naman.
Pagod muna bago kilig..

Tumakbo na rin ako. Buti hininto muna ni Tom sa isang tabi ng Car Wash yung kotse niya sa tapat ng Broadcasting at hinintay kami makarating sa kanya.. Kahit nakakahiya. Go lang!

Atleast kahit hindi si Ronnie Alonte yung nakapicturan namin. Pwede na rin kasi kaibigan naman ni R2 si Tom na ka-Hashtag Member nito..

Ganito talaga kaming mga FAN mababaw ang mga kaligayahan..

So.. Ayun na nagpalaam na rin yung iba naming kasamahan pagkatapos ng picturan kay Tom.

"Saan ka ba mamaya pupunta?" Tanong sakin ni Buchang.

"Sa Ortigas doon sa Gym kung saan maglalaro si Ricci."

"Sama naman kami." sabat naman ni Ysang.

"Eh.. Hindi ko lang sure kung nandun siya. Nagdadalawang isip din ako pumunta baka kasi wala siya dun." sabi ko na lang sa kanila.. "Teka! Samahan niyo muna ako mag-charge sa Starbucks. Lowbat ako. Need ko phone mamaya para matawagan ko yung kasamahan ko."

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon