[24] Nadarang

44 2 0
                                    


May 7, 20**

Ahlexie POV

Palagi akong humihiling sa maykapal na sana mapanaginipan kita tulad nang dati.

Matagal na yung huling kasama kita sa panaginip.

Tuwing nakikita ko yung ngiti niya naiinlove ako..

Sana palagi na lang siyang nakangiti..

Kasi tuwing nakangiti siya parang ang gaan sa pakiramdam..

Bakit sa tuwing napapanaginipan kita mas gusto ko na lang mag-stay sa panaginip.

Kung ako ang papipiliin mas gusto ko mag-stay sayo kasama ka sa panaginip. Kumpara magising sa reyalidad na malayo sa panaginip.

Pero sa lahat nang panaginip ko sayo ito yata ang hindi ko magugustuhan.

Hindi ko yata gugustuhin na mag-stay sayo kasama ka.

Kahit sino na makapanaginip nito masasaktan.

Kasi sa reality yung katotohanan masakit na. Paano pa kaya kung pati sa panaginip na meron sa reality na katotohanan masasaktan ka pa?

Nasaan na naman ba ako?

Panaginip na naman ba to?

Nandito na naman ako sa panaginip, naglalakbay sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Nagpalakad-lakad ako baka sakaling may makita ako..

Maya-maya...

Nagulat ako nandito si Jahnbert. "Uy! Boss."

"Hello.."

"Si Boss Ricci parang nagbago na noh? Hindi na namamansin." Rinig ko sa paparating na boses.

Pagkalingon ko sa likod sila Harvy at Marvin nag-uusap.

"Baka busy lang.." Sagot naman ni Marvin kay Harvy.

'Nandito rin sila?' Sa isip-isip ko..

"Hindi eh. Naalala mo nung laban niya sa Archers nung nakaraan? Hindi man lang tayo pinansin."

"Intindihin niyo na lang." Biglang sambit ko. Nakaagaw naman yun sa atensyon nila.

"Yun na nga eh. Ba't tayo ba naiintindihan niya?" Sagot agad ni Harvy.

"Hayaan mo na." Sagot naman ni Jahnbert sa kanya.

Ang laki ng galit nang batang ito ah? Anyare?

Mga ilang sandali..

Habang nagkukwentuhan kami dito..

May nakita akong pamilyar na mukha nang babae.

Papunta siya sa gawi namin.

Pagkalapit niya samin bigla rin siya sinalubong nung mga bata..

Ako?

Nandito sa gilid.

Nakatayo at nakatingin lang sa kanila.

Ayaw kong maki-epal baka sabihin feeling close ako..

Napatingin siya sakin..

Tumingin din ako sa kanya pero saglitan lang..

Ano ba ginagawa niya dito?

Parang alam ko na mangyayari, pero sana mali ako ng hinala..

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon