[2] Stalker

210 2 0
                                    


Jan 22, 20**

Ahlexie POV


Habang nag-scroll up and down ako sa Facebook ko. May nakita akong post ng isang friend ko may picture siya nung boy na sinasabi ng kapatid ko nung nakaraang araw.

Nag-update kasi ito ng profile picture and kasama niya ito. Free data feels you know.. Kaya yun lang nakita ko.

Matangkad pala siya napag-alaman ko rin sa kapatid ko na 6'3" ang height nito. Magaling sa larangan ng basketball and 3 points shooter.

At ang sabi pa sakin ng kapatid ko nag-fill up na raw ito ng kontrata sa ABS-CBN kaya dumadami na endorsement nito. Baka nga raw mahabol pa nito si Ronnie Alonte sa pagiging sikat.

Naku! Mukhang malabo.. Sa mga ganito kasi ang passion talaga nila ay sport. Depende kung mag-aartista sila. Sabi ko sa isip-isip.

Pagka-nakaload ako mamaya ng GS50 stalk ko nga to sa mga social media na sinasabi nilang Ricci Rivero.

Maya-maya...

Dumating si Mama sa bahay.

"Me, may 50 pesos ka? Panload lang."

"Wala akong dala. Dyan sa lolo mo hingi ka."

"Eh? Binigyan na ako ng bente." Sabay dukot at tingin sa bulsa niya.

"Wala. 30 pesos lang to." Tignan mo to. Wala daw meron naman pala.

"Ah! Sige. Ok na yan. Salamats!" Sabay takbo sa labas. Para magpaload.

*Bzzzt!* *Bzzztt*

Registered ka na sa GS50! Meron kang 1GB pang-internet na magagamit hanggang 2018-02-12, 21:29:02. Abangan ang susunod na text para sa iyong GS freebie. Pag naubos na ang iyong GS MBs, regular browsing rate ang charge pag nag-internet at di ka registered sa ibang surf promo. Para sa iba pang mga detalye, i-text ang GS INFO sa 8080.

Buti pa si 8080 hindi nakakalimot magparamdam. Hindi tulad ng iba. Chos!

Sabay open ng Facebook:

Search ng Ricci Rivero

Myghad! Daming RP at Fan made account.

Sa Intagram:

Search Ricci Rivero

Aw! Ang hot.. Daming post.
May pa-ABS si Koya.. Yummy!

Sa Twitter:

Search Ricci Rivero

Nice! Daming Followers, RT and likes.

'Kung sakali manotice kaya niya ako?' Ano ba tong naiisip ko. Hindi pwede.. R2 lang ako.

Dahil sa pag-stalk ko sa kanya ito mga nalaman ko.

Fullname: Ricci Paolo Uy Rivero
Nickname: Cci
Age: 20 years old
Location: San Juan City
Height: 6'2"
Weight: 55kg
Course: Tourism Management
School: University of the Philippines
Fathers Name: Paolo Ruzcko Rivero
Mothers Name: Abigail Uy Rivero
Twitter: @_ricciiirivero
IG: @ricciiirivero

Yan lang mga nalaman ko. Nakita ko yung Official Account niya sa Facebook. Kaya lang bawal i-add naka-private.

'Gwapo, matangkad, magaling mag basketball. Pwede na. Mukhang may mararating.'
Sa isip-isip ko.

Sumali na rin ako sa mga Fansclub niya. May natipuhan ako na name ng fandom ka-like din ng Fandom ko kay Ronnie Alonte. Yah! Head Admin ako sa Fandom/Fansclub ni Ronnie Alonte.

Ito yung name ng Fandom na bibihirang magamit. Kasi Unique. At kailangan kaseng tunog rin ng paggagamitan nito.

Ang sakin kasi kay Ronnie Alonte na name ng Fandom ko ay RonnieVerse (R2Verse)
Hindi naman ako ang creator nito. Handler lang ako. Pero sakin na rin pinaubaya dahil yung creator hindi maaasikaso ng mabuti dahil nag-aaral pa siya.

Yung nakita ko naman na nagustuhan ko na Fandom ni Ricci ay RicciVerse (CciVerse)
Nag-join ako. Sakto hiring sila ng Admin nagprisinta ako. Ewan ko pero siguro malapit lang ako sa mga tao na may kapangalan din sakin na fandom. Pero sa magkaibang bias naman..

Your request to join RicciVerse Official 💚 has been approved. You can now post...

Yes! Approved na..

Ah. Si Jhie Ongsee pala ang Head. Ma-chat nga para makasali sa GC.

Ahlexie to Jhie: Pasali po sa GC ng RicciVerse 😍 Salamat!

Hindi siguro naka-online.
Siguro mag-stick muna ako sa one group. Para maganda.

Gusto ko sana sa RicciSquad sumali kasi ayun yung pinaka unang Official na fandom kay Ricci kaya lang masyado na sila marami. Kawawa yung mga baguhan hindi masyado mapapansin.

Kaya dun na lang ako sa konti at baguhan palang para ayos lang..

Gusto ko kasi mag-iba.
Gusto ko maging isang simpleng fan lang.
Yung hindi ka kilala.
Yung paghihirapan mo lahat.

Pero sadyang maliit nga lang talaga ang mundo lalo na sa Fangirl World. Hindi mo maiiwasan yung mga taong kilala ka na..

I'M HIS FAN (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon