April 27, 20**Ahlexie POV
Nagkayayaan kami magkakaibigan manood ng 2nd Game ng Gilas, kasama yung mga bata ng La Salle na mga kilala rin nila Ricci.
Pasakay na kami ng pa- Quiapo nang magtanong si Julia.
"Hindi na sasabay satin sila Harvy?" Tanong ni Julia.
"Hindi na. Sinabay na raw nila Clang kanina eh. Deretso na tayo dun sa Filoil."
"Aww. Ganun? Okay."
Sabi na lang niya.Nandito na kami ni Julia sa Bus na pa-biyahe patungong Filoil.
Habang nasa may bintana ako nakaupo nagmuni-muni muna ako..
Sana hindi ako hopia ngayon.
Kasi miss na miss ko na siya..
Ayos na sakin kahit makita ko lang siya, kahit wala ng picture okay lang..
Mga ilang oras na biyahe nakarating na rin kami.
Nagtext na ako kay Ate Mela na nandito na kami.
To Ate Mela:
Ate Mela, nandito na po kami sa labas.
5:00 pmFrom Ate Mela:
Sige, nandyan si Clang sa labas pakuha ko na lang sa kanya yung ticket.
5:01 pmMagrereply palang sana ako kay Ate Mela pero nakita ko na agad si Clang kasama yung kaibigan niya.
"Hello be!" Bati ko sa kanya sabay beso. "Si Julia nga pala kapatid ko."
"Hi Ahlexie.." Bati niya rin. "Hello Julia."
"Ba't nandito ka sa labas?" Tanong ko.
"Wala lang inaantay kayo.. Wala pa sila Ricci eh, inaantay ko sana." Sambit niya.
"Haha! Kaya pala.."
"Papasok na ba kayo?" Tanong niya.
"Hindi pa naman."
"Wait. Kukunin ko lang sa loob yung ticket para makapasok na kayo. Dyan lang kayo ah?" Paalam niya samin.
"Ah, sige lang.."
Naglakad-lakad kami ng konti nang magsalita si Julia, "Ate! Pa-picture tayo si Vince yun eh." Sabi niya. Nung padaan samin yung lalaki.
"Sino yun?"
"Ayun oh! Yung papadaan dito. Sige na tawagin mo."
"Wow ah?! Ako pa tatawag? Hindi ko nga kilala." Ano feeling close?
"Vince Tolentino."
Pagdaan nung lalaki samin atsaka ko siya tinawag, "Kuya Vince, pwede pa-picture naman yung kapatid ko?" Tanong ko.
"Sure.." Sagot nito.
Ang bait naman niya. Amoy menthol yung hininga niya.
Pagkatapos nun nagpasalamat kami.
Naglakad lakad kami ni Julia sa palikod ng Filoil.
Nagulat ako sa nakita ko sa kanang bahagi ko.
Ngayon ko lang nalaman nandito pala nakapwesto yung GYM na pagmamay-ari niya..
Ang Athlete's Den..
Habang sinisipat ko yung kabuuan ng Gym sa labas.
Mga ilang sandali..