A/N: Before reading this story, may mga incorrect grammars na present dito. Maraming salamat sa pagiintindi. Enjoy.
--
Prologue"Ma, Saan na po ba tayo lilipat at anong paaralan yung lilipatan ko baka public yun Ma! Ayoko sa public school." Naiiritang saad ni Sabrina sa nanay nito.
"Hindi iyon public anak, sa katunayan isa iyong sikat na paaralan sa lilipatan mo. Pinapangarap ng mga ibang mag-aaral na makapasok sila doon, kaya wag ka ng maginarte at hindi ka makakasama samin anak." Matamaan na tinitingnan ni Sabrina ang kanyang nanay at yung huling sinabi ng kanyang Nanay ang nagpataka sa kanya.
"W-what do you mean Ma?!" Nagtatakang sabi ni Sab, sa kanyang ina. "Anong sinasabe mong hindi ako makakasama sa inyo?!" Pagalit na sabi ni Sabrina sa kanyang nanay.
"Anak ang paaralang iyon ay may titirahan kana ng dalawang taon mo. Libre na ang pagkain dun anak kaya hindi na kami gagastos gaano ng daddy mo. Sana pumayag ka anak dahil walang-wala na talaga kami ng daddy mo." Tumango nalang si Sabrina.
"F-fine Ma, wala din naman akong magagawa dahil na enroll nyo na ako sayang naman ang pera natin."
Niyakap nalang ni Sabrina ang nanay niyang umiiyak dahil wala na naman siyang magagawa pa doon.Tatanggapin nya nalang dahil walang- wala na talaga sila dahil sa pag susugal ng tatay niya naubos ang lahat lahat. Ang mansion nilang pagkalaki-laki ay nawala at ang mga magagara nilang kotse ay naipambayad nadin sa utang ng daddy niya. Pati ang pera nila ay naubos na at pati ang negosyong minana ng nanay niya ay naibenta na and she saw how her mom hurt about it.
"Tara na anak hahatid ka na namin ng daddy mo." Sabi ng nanay niya na may pilit na ngiti. Ngumiti nalang si Sabrina bilang sagot para naman mapanatag ang mama niya na kahit wala sila doon ay kakayanin niya mag isa.
--
"IMPERIAL ACADEMY." Basa ni Sabrina sa naka sulat sa labas ng paaralan. Parang kinikilabutan siya sa pangalan parang hindi magandang pumasok siya dito dahil pangalan palang ay kinikilabutan na siya paano pa kaya kapag nakapasok na siya.
"Ready ka na ba anak?" May pilit na ngiti na sabi ng nanay nya. Tango nalang ang sinagot nya dahil sa hindi niya alam na dahilan kung bakit ganto ang nararamdaman niya. Parang may mali pero pinagsawalang bahala niya nalang yon.
Namangha si Sabrina nang makapasok siya sa paaralan.
Malinis at maganda ito. Dahilan upang siya'y makampante na walang mangyayaring masama, pero agad ding nawala ito nang makita niya ang isang batang babae na umiiyak. Tila bumalik nanaman yung kabang naramdaman niya kani-kanina lang parang mas bumilis pa yung kabog ng dibdib niya ngayon dahil sa pagiyak nito."Sab, anak sana maintindihan mo kung bakit ka namin iiwan dito.
Promise namin ng daddy mo, Sab, na ibabalik namin yung mansion at kompanya natin kaya sana anak wag kang gumawa ng ikakapahamak mo dito dahil hindi namin kakayanin ng daddy mo pag nawala ka." Naiiyak na sabi ng nanay ni, Sab. Niyakap niya nalang ito at ngumiti at dumeretso na sila."Tara na anak." Pumasok sila sa isang kwarto na may isang lalaking prenteng nakaupo. At sa uri palang ng pagtingin nito sa kanya ay parang may hindi magandang mangyayari.
"Ohh, Mrs.fernandez, ito ba ang anak mong inenroll mo dito? napakagandang bata naman nito." Ngumiti lang siya at ang ina niya sa sinabi ng lalaki.
"Oho, Ang anak ko. Anak magpakilala ka dali." Sabi ng nanay niya at tumango nalang siya at sumagot.
"Ako po si Sabrina fernandez." Diretso siyang tinitingnan sa kanyang mga mata. Sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. Ngumiti naman ito kaya napanatag na ang kanyang loob.
"Napakagandang mukha at pangalan, ito nga pala ang room mo at ito ang schedule mo iha." Inabot ni Mr.Valdez kay Sabrina ang isang papel na naglalaman ng schedule niya at nakalagay na din doon yung room niya. "Welcome to imperial academy sabrina!welcome to hell." Masayang wika ni Mr.Valdez ngunit pabulong ang huling sinabi nito.
"A-ano po yun Mr.valdez" Tanong ni Sabrina dahil hindi niya narinig yung huling sinabe ni Mr.Valdez pero nginitian na lang siya nito.
"Ohh, Anak sge magingat ka dito. Wag kang magpapasaway dito at yang pagkamaldita mo tanggalin mo yan kundi hindi, di na kita pag aaralin. " Sabi ng nanay niya at niyakap siya at yumakap naman siya pabalik at ng maghiwalay na sila ay hinalikan siya nito sa noo at ngumiti.
"Sge, aalis na ako anak. Magingat ka palagi dito." Umalis na ang nanay niya at siya naman ay tiningnan kung anong dorm sya 22 ang number ng dorm niya hindi niya alam kung saan ito kaya tumingin sya sa principal.
"Uh-hmmm, saan po ba itong room ko?" Nahihiyang tanong niya hindi niya malaman kung anong rason kung bakit ganto ang nararamdaman niya.
"Ipapahatid nalang kita sa isang estudyante dito, pakitawag nga si, Yuan." Sabi niya sa isang nagbabantay ng paaralan. Inikot muna ni Sabrina ang paningin niya sa kwarto at may nakita syang isang remote at t.v sa baba, pero hindi ordinaryo iyon. Natigil ang pagtingin ni Sabrina ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.
"Sir, pinapatawag nyo-"Biglang dumako ang tingin ng lalake kay Sabrina "Ok sir, tara na Miss hahatid na kita sa dorm mo akin na yan at ako na ang magbubuhat." Sabi nito at nagsimula ng maglakad palabas.
"Salamat." Naglakad na sila at habang naglalakad sila inikot niya muna ang paningin nya.Ang ganda at ang linis ng paaralang ito sabi nya sa sarili niya.
"Miss?" Takang tiningnan niya ito.
"Bakit?" Lingon niya na nagtataka.
"Huwag kang mabighani sa ganda at linis ng paaralang ito, dahil hindi lahat ng makikita mong maganda ay pupurihin muna. Wag kang magtiwala sa ganda dito dahil jan sa pagtitiwala mo iyan ang ikakapahamak mo. Andito na tayo sige maiwan nakita marami pa akong gagawin bukas na ang simula ng pasok mo, sge aalis nako." Napaisip naman siya sa sinabi ng lalaki, bakit parang kinilabutan sya sa sinabi nito.
Kinuha nya ang Cellphone nya at tiningnan kung may signal pero wala. Pumasok sya sa dorm at nakita niya na dalawa lang ang kama at pagtingin nya sa gilid ay may isang umiiyak na babae. Ito yung babae kanina. Nilagay nya muna ang maleta nya sa ilalim ng kama at lumapit sa babae.
"Uhmm, bakit umiiyak ka? tara dali, tayo ka jan usap tayo." Tiningnan sya ng babae pero umiwas lang ito. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya ulit pero hindi parin ito tumigil at nagtalukbong nalang, kaya wala na siyang nagawa kung ayaw nitong makipag-usap sa kanya.
--
A/NHi guys enjoy reading and don't forget to vote and comment at comment po kayu sa mga mali kong words para ma edit ko pa thank you muahhh!!!
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...