Vote and Comment
----
Sabrina's POVNAKATINGIN ako sa kawalan at iniisip yung sinabe saakin ni Yuan. Hindi ko makalimutan yung sinabe niya, naguguluhan ako nalilito ako sa pinagsasabi niya kailangan ko ng linaw para malaman kung ano yung mga yun para mapaghandaan pero sinabi niya na ngang mabuting wag ko nalang hanapin. Ahhh!
'kung anu man yang hinahanap mo wag munang subukan..wag kang mag pakabayani dito miss...dahil wala ka nang magagawa kapag ikaw ang una nilang pinuntirya kaya sa oras na ikaw ang pupuntiryahin nila humanda kana'
'kung anu man yang hinahanap mo wag munang subukan..wag kang mag pakabayani dito miss...dahil wala ka nang magagawa kapag ikaw ang una nilang pinuntirya kaya sa oras na ikaw ang pupuntiryahin nila humanda kana'
'kung anu man yang hinahanap mo wag munang subukan..wag kang mag pakabayani dito miss...dahil wala ka nang magagawa kapag ikaw ang una nilang pinuntirya kaya sa oras na ikaw ang pupuntiryahin nila maghanda kana'
"Ahhhhhhh!!!!" Inalog inalog ko yung ulo ko at sinabunutan ko yung sarili ko para makalimutan yun bakit ba pumapasok pa yun sa isip ko dapat hindi ko na isipin yung sinabe niya sumasakit lang ulo ko kakaisip.
"May problema ba ate?" Pumasok si Gracy na hingal na hingal at parang may napansin ako sa mga kamay niya ng makita niyang nakatingin ako do'n ay tinago niya sa likod yung mga kamay niya. Parang hindi normal yung nasa kamay nito. Pero pinagsawalang bahala ko nalang. "Sa-saglit l-lang, ate. " Sabi niya sabay pasok sa banyo at dinig na dinig ko yung mga patak ng tubig dahil sa katahimikan mukhang naliligo siya pero naligo na siya kanina.
Kinuha ko muna yung libro ko at nagbasa basa muna ng mapadako ang tingin ko sa isang quote na nagpakilabot saakin.
'Life is not about who's real to your face. Its about who's real behind your back.
Basa ko at biglang tinabi ng lumabas na si Gracy ng nakatowel tumingin siya saakin saglit at parang may mali sa kanya ngayon parang may mali para siyang kinakabahan na, ewan.
"Gracy, may problema ka ba? pwede mong sabihin kay ate" Tanong ko sa kanya habang nagbibihis siya at humarap naman siya saakin at ngumiti.
"Ahhh, wala ito ate napagod lang siguro ako kanina dun sa volleyball na sinalihan ko" Napatango naman ako at di na nagtanong pa tumalikod ulit siya at nagbihis"ahmm, ate pwede ko bang matanong kung ano yung iniisip mo kanina para kaseng ang lalim ng iniisip mo." Nakangiting humarap siya saakin at lumapit.
"Ahhh, wala yun wag munang isipin." Sabi ko nalang pero mapilit talaga siya kaya wala na kong nagawa at ikwento. "Kasi kanina diba, may hinahanap ako yung naramdaman ko pero bumangga ako kay Yuan at may naramdaman akong kakaiba at may mga sinabi pa siya sakin na hindi ko alam kung totoo ba." Pagkwekwento ko tumango-tango naman siya at nakwento ko din kung ano yung sinabi saakin ni Yuan, habang nagkwekwento ako at ng matapos ako ay may sinabi siya.
"Tama naman si kuya Yuan, ate, wag mong hahayaan na mamataan ka nila baka ikaw ang unahin nila" Nakangiti nitong sabi saakin. "Tsaka wag na wag kang mag bibigay ng tiwala mo ate baka iyan ang ikapahamak mo baka ate ikaw gusto mo akong patayin." Nakangisi niyang sabi at parang natakot naman ako ngisi-ngisi niya pero binawi niya naman agad yun. "Joke lang ate, alam ko namang hinding-hindi mo gagawin yun saakin, diba?" Nakangiti niyang sabi at yumakap, yumakap naman ako pabalik sa kanya parang iba talaga ngayon yung Gracy na kilala ko hindi siya ito parang may mali talaga.
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...