Chapter 21
"HI SABRINA. MISS ME?"
Nangilabot naman ako sa sinabi nito at tiningnan ko ang ibang kasama nito na nakangisi lang.
"Ikaw ba ang bumaril kay, Ethyl." Tanong ko dito ng may diin.
Tumawa ito bago sumagot. "Ah, yun ba? Buti nga at hindi ikaw ang binaril nitong alaga ko." Turo nito sa babaeng may sniper sa likod.
"Mga hay*p, kayo!" Nanggigigil kong saad sa mga ito. Nagsitawanan lang ang mga ito at tiningnan akong may pangmamaliit.
"Nakikita mo ba yung sarili mo ngayon, Sabrina? Mukha kang lion na nakakakulong at walang magawa. Nakakaawa ka. Uunti-untiin kita, Sabrina, At ito." Turo nito kay, Gravy. "Isusunod ko 'to at lahat ng malapit sayo, Sabrina bago kita patayin."
"Please, Diane. Diba ako ang kailangan niyo. Bakit hindi nalang ako ang patayin niyo." Umiling-iling ito.
"Hindi mo ba narinig yung mga sinabi ko, Sabrina. Uunti-untiin kita. Teka.. Bakit may kamukha tong, Gracy mo." Napatingin naman kami kay, Gracy na walang emosyon sng mukha na nakatitig lang kila, Diane. "Oh, kambal. Hindi naman pala mahalaga sayo ang isang ito kaya-"
"Wag! Please, Diane. Ako nalang, wag munang idamay 'tong mga taong ito." Turo ko sa mga kasamahan ko. "Mapaguusapan pa natin ito. Kumalma ka, Diane, kumalma kayo."
"Ang tagal-tagal naming inantay' tong araw na 'to, Sabrina. Sa tingin mo mapapakalma mo pa kami. Hindi, Hindi, Sabrina." Tiningnan kami nito isa-isa. "Ang gandang palabas pala nito, Sabrina."
"Hayaan niyo na sila, Diane. Pakawalan muna si, Gravy at ibaba mo yang hawak mo." Turo ko sa katana na nasa gilid ng leeg ni, Gravy. Tiningnan ko ito at may pagmamakaawa sa mukha nito pero nagawa padin nitong ngumigi saakin.
"Hindi." Biglang inangat nito ang katana at sakto ito sa leeg ni, Gravy na nagpahiwa dito.
"Hindi!!!" Sigaw ko dito at inangat ang baril at pinaputukan ang mga ito. Hindi pa ito nakontento at pinagtataga pa nito ang leeg ni, Gravy hanggang sa maputol.
Nagkapalitan kami ng mga putok at tumulong nadin sa'kin ang mga kasamahan ko.
"Atras!" Saad ni Paulo at bumabaril naman kami habang umaatras at papunta ulit sa building.
"Habulin niyo." Rinig naming sigaw ni, Diane.
Lumingon naman ako sa mga kasamahan kong mga nagtatakbukhan sa likudan. Nakita ko si, Gracy na nasa likod kasama nito si, Stacey.
"Diretso!" Sigaw ni Paulo at hindi na akong lumingon pa hanggang sa makalabas kami sa kabila.
HINIHINGAL kaming napaupo sa labas at pagkatapos kong magpahinga ay lumapit ako kay, Gracy na umiiyak na. Niyakap ko ito at hinagod ang likod.
"G-gracy." Tawag ko dito at bigla ako nitong tinulak.
"K-kasalanan mo kung bak-" Huminto ito at tinakpan ang mukha gamit ang kamay nito. "Gusto ko munang mapagisa, a-ate."
Tumango ako dito. "Sige, kung yan ang gusto mo."
Biglang nagsitayuan ang mga kasamahan namin at napatingin naman ako sa tinitingnan ng mga 'to. Nakita ko si, Yuan at Xander. Nakatutok ang baril ni Yuan sa ulo ni Xander at pinapalakad ito sa direksyon namin.
"Y-yuan." Sambit ko.
Bigla nitong binaba ang baril at tinulak si, Xander saamin at napadapa naman ito.
"Buti at nakita ko kayo, kung hindi tutuluyan ko talaga yan." Saad nito at tumayo naman si, Xander ng sapo ang likod.
"Sab, aaway ako." Napakunot naman ang noo ko at medyo nakalimutan ang mga nangyari at natawa.
"Mabuti at ligtas kayong dalawa." Tumingin ako sa kanilang dalawa at ang tanging may dala lang na armas ay si, Yuan dahil siguro kinuha nito ang baril ni, Xander.
"Bakit nga ba kayo, hingal na hingal." Tanong ni, Xander na nagpatigil saakin. Tumingin ito sa mga kasamahan ko at parang may hinahanap. "Asan si, Ethyl? Hindi mo siya kasama?"
"W-wala na siya, Xander." Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko.
"Sino ang may, gawa? Sila, Diane ba? Hindi posibleng ikaw ang isu-"
"Hindi ako ang puntirya nila, Xander. Kayo ang puntirya ng mga 'to, gusto nila kong patayin sa loob." Napahagulgol naman ako at niyakap naman ako nito.
"Andito, ako, wag mo munang isipin yun, dahil baka, mangyari nga ang sinasabi ni, Diane." Pagpapatahan nito saakin. Pagmulat ko ng mata ay nakatingin lang saamin si, Yuan at mayroong halo-halong emosyon na makikita ka sa mga mata nito.
NAKAUPO ako ngayon sa isa sa upuan dito sa taas ng isang gusali. May tumabi naman saakin at ng tingnan ko ito ay nakita ko si, Yuan. May inabot itong tubig saakin na tinanggap ko naman.
"Kamusta, ka na, Sabrina. Tagal din nating hindi nagkita at buti at buhay kapa." Ngumiti ako ng pilit dito at tumingin nalang kila, Stacey. Nakatulog na si, Gracy sa kakaiyak nito at hindi na ako nito kinausap pa.
"Sana nga namatay nalang ako, eh. Para wala ng taong mga nadadamay pa, dahil dalawa na ang nawala sa mga kaibigan ko. Sige na, Yuan at magpapahinga na muna ako." Tumango naman ito kaya tumayo na ako at umalis.
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...