Chapter 12
NAGISING ako ng may yumuyugyog saakin. Napamulat naman ako at napatingin sa harapan ko. Si, Gracy.
"Ate, alas dos na po at simula napo ang laro." Nakatulog pala ako. Ngumiti naman ako dito.
"Tsk, tutulog-tulog kapa jan. Paano kapag may pumunta saatin dito sa taas, tapos tulog ka!" Bulyaw saakin ng kakambal nito. Inirapan ko lang ito at tumingin sa baba. Simula na pala ang laro.
"Hindi mo po ba narinig yung orasan. Ang ingay-ingay kaya, ate. Tulog mantika kapo talaga." Binatukan ko naman ito dahil sa sinabi nito saakin. Nagtawanan kami at ang kakambal naman nitong si, Gravy ay malamig lang ang tingin ang pinupukaw saamin.
"Pumwesto kana, Sabrina." Tumango ako dito at humarap nalang ulit sa, Sniper. Tumingin ako dito at mayroong mga taong nagpapatayan na sa ibaba. May mga naghahand to hand combat at mayroon din namang mga may gamit na patalim.
Babarilin kuna sana sa ulo ang isa ng biglang may nauna dito. Tumingin ako kay, Gravy at nakatuon lang ang buong atensyon nito sa pagbaril. Bumalik ako sa pagkakapuwesto at naghanap ng mga tao. Kinalabit ko ang gatilyo ng dala ko at saktong may natamaan akong tao sa ulo. Pero ang lakas ng pwersa ng pagkakabaril ko at kamuntikan na akong matumba. Ang kalaban naman nito ay napatingin sa direksyon ko pero bumagsak din ng may tumamang bala sa ulo nito.
Gano'n lang ang ginagawa namin ni, Gravy at nagkakaubusan na kami ng bala. Umalis na ako sa pagkakapuwesto at tumingin kay, Gracy. Nakatingin lang din pala ito saamin at papalit palit ng tingin.
Lumapit saakin si, Gracy. "Salamat, Ate." Niyakap ako nito ng mahigpit.
"Kaya natin to, basta wag kang panghihinaan ng loob andito lang kami ng kakambal mo."
"Salamat po talaga. Salamat ng maraming-marami." Saad nito at napangiti namab ako dahil sa kainosentihan nito. Hindi dapat nito nararanasan ang nangyayari ngayon. Masyadong mahina ang loob nito at hindi kayang lumaban.
Humiwalay naman ako sa pagkakayap at hinarap ito."Gracy, bakit hindi ka pumunta nung nagbigayan ng mga magagamit?" Tanong ko.
"Ahm, ate. Hindi kupo kasi kayang humawak ng ganyan kaya si, Gravy nalang po pinapunta ko." Tango-tango nalang ang sinagot ko dito.
"Sge na, Gracy. Panuorin mo nalang kami dito at tingnan mo kung may tao na sa likod natin. Alam na siguro ng mga ito kung saan tayo nakapuwesto." Lumingon ako sa kakambal nito at nakatingin na pala ito saamin.
"Iwanan na natin itong dala nating sniper. Hindi na naman natin ito magagamit at kailangan magmadali na tayo. Tiyak papunta na ang mga iyon dito." Dali-dali kaming kumilos pagkasabi nito noo. Sinukbit ko ang dala kong bag na may lamang mga pamalit at mga armas. Sinukbit ko din sa balikat ko ang dala kong katana. Dala-dala naman ni, Gracy ang mga makakain namin at maiinom. Bitbit naman ng kakambal nito ang dala nitong mga armas. May bitbit itong machine gun na M249 Saw.
Bubuksan na sana namin ang pinto pababa ng may marinig kaming mga yabag. Pinahinto kami ni, Gravy at nagsignal itong tumahimik kami habang hawak ang machine gun at nakatapat sa pinto.
Bumukas ang pinto at pagbukas pa lamang nito ay niratrat na ni, Gravy ng machine gun ang pumasok. Kung saang-saang parte tumama ang bala sa katawan ng lalaking pumasok. Nakakasilaw ang bawat putok nito at hindi ko alam kung bakit nakadilat padin ito habang ng raratrat.
Nang namatay na ang lalaki ay sumilip naman ako para siguraduhin na wala ng tao habang nakahanda naman ang isa kong kamay para sa paghugot ng katana. Pagsilip ko ay biglang may humatak saakin at gumulong gulong kami pababa. Nang bumagsak kami ay ako ang napuruhan dahil ako ang napailalim at bumagsak sa semento. Sinuntok ako nito sa mukha dahilan para dumugo ang ilong ko.
"Ack!" Suka ko ng dugo ng tuloy tuloy padin ako nitong pinagsusuntok sa mukha, sa tiyan.
Hindi ako makagalaw dahil nadin sa pagbagsak ko at nakadagan ang lalaki saakin.
Tinadyak-tadyakan ko ito para makaalis kahit na ng hihina padin ako. Pero nagulat nalang ako ng mapahinto ito at mayroon ng dugo na bumuhos sa mukha at dibdib ko. Bumagsak saakin ang lalaki ng wala ng ulo. Tumingin ako kung sino ang gumawa no'n, nakita ko naman ito at may hawak ng katana. Si, Gravy o Si Gracy. Hindi ko gaanong makita dahil sa bugbog na natamo ko sa mukha at dahil nadin sa kadiliman.
Inalis ko sa harapan ko ang lalaking nakadagan padin saakin. Inalalayan naman ako ng dalawa para makatayo.
"Ok kalang ba, ate?" Tanong saakin ni, Gracy. Hindi ko nagawang sagutin ito dahil sa pagod at natamo kong bugbog sa hayop nayon.
"Maghanap tayo ng silid ng walang tao at doon muna tayo magpahinga at pagalingin natin iyang bugbog mo sa mukha." Akay-akay ako ng dalawa habang naghahanp kami ng ligtas na silid para pagpahingahan.
Nang makahanap kami ay iniupo nila ako. Pinainom ako ni, Gracy ng tubig.
"Ate, buti nalang po at hindi ganoon kalala ang natamo mo at ligtas ka padin. Nagalala talaga ako, ate. Kala ko wala ng-" Nilagay ko ang kamay ko sa bunganga ni Gracy para hindi na magsalita. Gusto ko ng pahinga dahil sa mga natamo ko.
"Hayaan mo munang magpahinga iyan, Gracy." Tumango naman ito at tinabihan nalang ako at pinasandal sa balikat nito at pinikit kuna ang mata ko at unti-unti ng natulog.
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...