Chapter 26
"HI, SABRINA"
Lahat kami ay napahinto dahil sa mga taong nasa harap namin ngayon na may kanya-kanyang bitbit na baril na nakatutok sa'min. Tiningnan ko sa mata ni, Diane at puno ng galit ang mata nito at nakangisi sa'kin, tila ay balak itong patayin kami ngayon din sa harap nito mismo. Tiningnan ko ang iba kung kasamahan at tila naestatwa din ito sa kanya-kanyang pwesto at di alam ang gagawin.
"Ang tagal mong nagtago, Sabrina, Ngayon 'di kuna papalampasin pa'to. Paputukan sila at akin si, Sabrina." Biglang may nagpaputok kung saan at hinanap naman ito ng mga mata ko at nakita ko si, Paulo na may hawak na ak47 sa kamay at niraratrat na ang kalaban namin ngayon.
"Sige na, mauna na kayo ako ng bahala dito." Sigaw nito at sinulit na namin ang binigay nitong pagkakataon para makatakas at pilit kaming pinapaputukan ng nasa likod namin.
"Ahh!!" Napalingon ako kay, Gracy na may tama sa braso at lumapit naman kami ni, Yuan dito para alalayan at mabilis ulit na tumakbo. Lumingon ako kay, Paulo at nakikipagbarilan ito kila, Diane at sila, Almira at Olivia naman ay nakasunod sa'min.
"Ako ng bahala dito." Saad ni, Xander at huminto at inangat ang baril nito at pinaputukan sila, Jacqueline at mabilis naman itong mga nakaiwas. Tutulungan ko sana si, Xander at bibitawan na si, Gracy ng hawakan ako ni, Yuan at tiningnan ng mariin.
"Halika na! Ano, tutulungan mo siya?! Edi pareho kayong namatay do'n, tara na." Tumango nalang ako kay, Yuan at dumiretso na kami ng takbo at huling beses akong lumingon kay, Xander at ngumiti lang ito sa'kin.
--
Third-person POV
NAKATAGO si, Paulo sa isa sa mga building dahil binabaril ito nila, Diane at ng mga kasamahan nito, Pinatakas niya na ang mga kasamahan pero ng lumingon ulit siya ay nakita niyang hindi lang siya ang nagiisang lumalaban, dahil kasama niya si, Xander. Mabilis na umiwas si, Paulo ng paputukan ulit siya at mabilis na tumakbo papalayo sa pinagtataguan niya.
"Hanapin mo!" Sigaw ni, Diane sa kasintahan nito dahil ng puntahan nila ang tinaguan ng paulo ay wala na ito. Tumingin si, Diane sa direksyon nila, Sabrina at malayo-layo na ang mga ito at nagulat siya dahil may isa siyang taong nakita na kinababaliwan niya, Si Xander. Mabilis siyang naglakad at pumunta sa direksyon ng mga ito at nakikipaglaban ito ngayon ng hand to hand combat sa dalawang babae.
Masculado ang katawan ni, Xander at kayang kaya nito ang dalawang kababaihan, at tanging armas lamang ang kayang makapagbagsak dito kaya itinutok ni, Diane ang baril sa ulo nito at tiningnan niya kung eksakto na tatama ito sa ulo nito. At ng paputukin niya ang baril ay nagulat siya dahil hindi si, Xander ang natamaan niya dahil alerto ang lalaki at mabilis nitong hinablot si, Olivia at ito ang natamaan ng bala.
"Ack, Ack.." Hawak ni, Olivia ang leeg na natamaan at tila nang hihingi ng tulong sa mga kasamahan. Tiningnan lang ito saglit ni, Diane at hinayaan nalang nila itong malagutan ng hininga at binaling uli ang tingin kay, Xander.
"Great babe, Great." Saad ni, Xander at nakangisi pa sa kanya.
Nginisian lang din ito ni, Diane. "Magaling kadin, Xander. Eh, paano kaya kapag tayo ang nagharap?"
"Kaya mo'ko?"
"Oo" Mabilis na lumapit si, Diane at inilapag ang baril at inihanda na ang sarili. Tutuhudin sana ni, Diane si, Xander ng nahawakan nito ang paa niya at mabilis itong hinatak kaya napahiga siya sa sahig habang sapo ang ulo.
"Told y- Ahh!" Biglang may nagpaputok at natamaan sa, Braso si, Xander.
"Tapusin muna, tara na." Saad ni, Jacqueline at tumango nalang si Diane at nilapitan ng sapo ang ulo si, Xander na hawak ang hita nito.
"Sorry." Saad ni, Diane at inilabas ang kutsilyo at sinaksak ito sa bunganga ni, Xander at binaon niya pa'to at lumabas na ang tulis ng kutsilyo sa batok nito. Hinugot niya ito ng hindi na humihinga si, Xander. Kinupkop niya ang mga bulsa nito at walang nakuhang susi at naisip ni, Diane na maaring nasa isa sa kanila ang susi. Tumayo na siya at lumapit kay, Olivia at kinuha ang susi nito.
"Tara na." Saad ni, Diane pero biglang bumagsak ang kasintahan niya at nakita naman nila yung kaninang lalaki. Tatakbo pa sana ito ng barilin agad ito ng kasamahan niyang bakla. Lumapit siya sa boyfriend niya at nakita niyang nanghihinga ito dahil sa tama ng baril sa dibdib.
"Bab-" Tinutok niya ang baril at mabilis itong binaril. Kinapkap niya ang bulsa nito at kinuha ang susi at pumunta naman siya sa lalaki para tingnan kung andito paba ang susi nito at nakuha niya nga at mali ata ang naisip niya pero bakit wala si, Xander ng susi, nagtaka si, Diane pero tumayo na siya at mabilis silang tumakbo para sundan ang mga iba pang kasamahan nito.
"Hindi kana makakatakas ngayon sa'kin, Sabrina." Sinundan ito ni, Diane ng nakakalokong tawa.
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...