Chapter 24

321 17 0
                                    

Chapter 24

Sabrina's POV

NAGTATAKA kami kung bakit kami iniwan ni Paulo sa gano'ng sitwasyon at inaalala namin ang mga kasamahan naming nahiwalay sa'min. Lumipas ang araw at hindi padin namin sila makita, kaya't minabuti nalang naming manatili muna sa isang at magpahinga.

Kinuha ko ang baril ko at tiningnan kung may natitira paba itong bala, nakita ko naman na dalawang bala nalang ang natitira. Inilapag ko ang baril ko at kinuha ang katana sa balikat ko at nilabas ito. Kumuha ako ng basahan at sinimulang punasahan ito. Napatingin ako sa gawi ni Gracy na mahimbing ng natutulog sa gilid at si Yuan naman ay nakasandal sa pinto at nakapikit ang mata. Naramdaman ata nitong may nakatingin sa kanya at ng tumingin ito sa'kin ay nagiwas ako ng tingin. Binalik ko nalang ang pagpunas sa katana ko at hindi na ulit 'tong tiningnan, pero nagulat nalang ako ng may bultong nakatayo sa harapan ko.

Umupo si Yuan sa tabi ko. "Mukhang malalim yang iniisip mo, Sabrina."

"Asa'n na kaya sila, Xander?" Hindi ko'to tiningnan at nagpatuloy nalang ng pagpunas.

"Wag muna sila masyadong isipin, isipin mo muna kung paano tayo makakaligtas ng ilan pang-araw." Tumingin ako dito at ngumiti.

"Pero sana, sana ligtas sila at maayos yung lagay nila ngayon."

"Imposibleng maging maayos ang lagay natin, dahil sa nangyayari ngayon." Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ko at tiningnan ulit si, Gracy na tulog padin. "Maghahanap ulit tayo, bukas, para maging panatag yang loob mo."

Mas lalong lumapad ang ngiti ko at binitawan ang katana at niyakap ito. "Maraming salamat, Yuan. Buti at nandyan ka, dahil hindi kuna alam ang gagawin ko parang sumasabog na yung loob ko dahil sa mga nangyayari."

"Wag ka munang panghinaan ng loob, Sabrina." Kumalas ito sa pagkakayap at hinawakan ang kamay ko. "Tandaan mo sa larong ito, Ang mahina ang loob, ang matatalo."

"Susubukan kung mas tatagan pa ang loob ko." Ito naman ang ngumiti sa sinabi ko.

"Yan, yan si, Sabrina." Natawa ako dito at hinampas ito.

"Baliw."

"Sge, na. Magpahinga kana muna at bukas na bukas din, hahanapin natin sila." Tumango ako dito.

"Sge, ikaw din, magpahinga kana. Napapansin kung ilang araw kana ding walang tulog." Kumunot ng saglit ang noo nito.

"Sge, na. Matulog kana."

KINABUKASAN ay maaga kaming naglibot sa buong paaralan at gano'n padin ang mga nakita ko tulad ng mga nagdaang araw. Hindi padin naalis ang mga bangkay na nakahandusay lang sa buong paaralan. Sinimulan namin ang paghahanap sa isang building na pinagtakbuhan nila, Stacey. Inisa-isa namin ang silid at may dalawang sunog na bangkay kaming nakita. Lapnos ang katawan ng dalawang lalaki at halos hindi na ito makilala. May nakita kaming baril at pinulot namin ito.

Nag simula na ulit kaming maglakad at ang ibang silid ay nakasara kaya hindi naman ito natingnan kung meron bang tao. Lumabas na kami ng walang nakitang ano mang bakas nila, Stacey. Matinding sikat ng araw ang bumungad saaming tatlo ng lumabas kami ng building. Sinimulan ulit naming maglakad sa tirik na araw, tiningnan ko naman si, Gracy at mukhang hindi din ito sanay sa sobrang tirik ng araw.

"Magpahinga muna tayo dito sa tabi, at mukhang pareho kayong hindi sanay sa tirik ng araw." Pareho kaming tumango ni, Gracy at pumunta sa tabi at do'n kami nagpahinga muna.

"Buhay pa po kaya sila?" Biglang tanong ni, Gracy at napaharap ako dito.

"Oo naman, Gracy. Buhay pa sila at ayaw kung magisip ng mga negatibong bagay ngayon." Ngumiti nalang ito ng pilit at pinikit nalang ang mata.

"Magpahinga kana din muna, Sabrina." Saad ni, Yuan.

"Maya-maya na siguro, Yuan. Hindi pa naman ako gano'n kapagod at kaya ko pa naman, siguro ikaw nalang muna at ako nalang ang magbabantay." Umiling ito sa'kin.

"Hindi, paano kayo, kapag may dumating na kalaban? Hindi din ako makakatulog pag gano'n." Umiling din ako dito.

"Eh, pa'no kapag pagod ka? Pa'no mo kami maproproteksyunan, kaya-" Hinawakan ko'to sa balikat at pilit ibinababa at sumunod naman ito. "Magpahinga ka at ako muna ang bahala dito."

"Sge, sge. Basta kapag may mali, gisingin mo agad ako, ok?" Tumango nalang ako at iningat ang katana ko. "Ibaba mo nga yan at baka matamaan mo'ko."

Ibinaba ko ito at tumawa. "Sge, na. Magpahinga ka na d'yan at tingnan mo'to diba hindi nila ko kaya."

Ngumiti nalang ito at pumikit na at ako naman ay tumayo nalang at tiningnan nalang ang dalawa. Mahimning ng natutulog si, Gracy at si, Yuan naman ay mukhang tulug-tulogan lang.

"Sabing magpahinga, eh." Dumilat ang isang mata nito.

"Opo." Maikling tugon nito.

--
By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon