Chapter 17
KUMUKUHA ako ngayon ng delata ng tumabi saakin si, Gracy at nilagay ang mga kinuha ko sa bag.
"Ate, ok lang po ba na isama natin siya?" Turo nito kay, Ethyl.
Hinarap ko ito. "Oo, naman. Wala namang masama kapag sinama natin siya diba?"
"Pero ang akin lang naman po ay, paano po kapag may gawin siya saaating masama. Hindi ko po siya mapagkakatiwalaan." Binitawan ko ang mga hawak ko at hinawakan ito sa kamay.
"Gracy, ako ba mapagkakatiwalaan mo?" Tanong ko.
"Opo naman po. Pero siya po hindi."
"Ako ang pagkatiwalaan mo, Gracy. Ako ang bahala sa kanya kapag may ginawa siyang masama, Ok?" Ngumiti naman ito at tumango. "Ilagay muna tong mga to sa bag at ng makaalis na tayo dito."
"Sge, po." Tumayo na ako at iniwan ito at pumunta kay Ethyl.
"Ethyl, buti at ok kalang."
"Syempre, nagpromise tayo sa isa't isa diba na magkikita pa tayo." Ngumiti ako dito.
Umupo muna ako bago sumagot. "Oo, nga pala. Inaalala kita kung ayos ka lang ba o buhay kapa."
"Ano kaba, masamang damo to, hello?" Natawa naman kami pareho at nasa harap na namin si, Gracy.
"Ate, tara na po at baka nagaalala na si, Gravy doon." Bitbit na nito ang dalang bag na may lamang mga supllies.
Inalalayan kong tumayo si, Ethyl at hindi na ito nagpatulong sa paglalakad dahil braso lang naman daw ang natamaan kaya hinayaan ko nalang.
Maggagabi na ng lumabas kami at delikado nadin para saamin ang pagbalik pero baka nagaalala na ang kapatid ni, Gracy at hindi pa ito nakakain kaya napagdesisyunan na namin bumalik at sumama nadin saamin si, Ethyl.
"Ethyl, magisa kalang ba ngayon?" Tanong ko dito at humarap naman ito saakin.
"Oo, pinasok kasi kami sa dorm nila, Jacqueline at Diane. Buti nga at nakagawa ako ng paraaan para makaligtas. Hinahanap ka nila, Sab at kinakabahan ako para sayo." Saad nito at tumingin ulit sa daanan.
Huminga muna ako ng malalim. "Hayaan mo sila, Ethyl. Siguro kapag nagkita kami ng mga yun, eh asahan munang dadanak ang dugo." At sinundan ko ito ng tawa.
"Gaga ka, sumeryoso ka nga. Buhay muna yung nakasalalay dito tapos ganyan kapa." Lumapit ito saakin at hinila yung buhok ko.
"Totoo naman talaga."
"Ate-" Biglang huminto si, Gracy at tumingin naman kami sa harap at nagulat kami dahil mayroong mga nakaharang sa daan. Mga nasa labing isa itong nakaharang saamin at may mga hawak na iba't ibang uri ng baril at kutsilyo.
"Pre, mga babae. Ang suwerte naman ata natin ngayon. Pagkain to mga pre." Sinundan nito iyon ng tawa at tinutukan ako ng baril. "Hubad."
Hindi ko sinunod ang sinabi nito at tinitigan lang ito. Hinihiling ko ngayon na sana meron ulit dumating na magliligtas saamin at nadinig nga ang hiling ko. Dahil biglang may tumamang sibat sa lalaki at tumama iyon sa tiyan nito at naputok naman nito ang baril at biglang nagdilim ang paningin ko.
--
Gracy's POV
BIGLANG may sumibat sa lalaking nakatutok ang baril kay, ate at bigla ding pumutok ang baril na hawak nito at tumama iyon kay, Ate.
"Ate!" Sigaw ko at lumapit ako dito. Nagkapalitan na ng putok at tinulungan naman ako ng kaibigan ni, Ate na si, Ethyl. Tinulungan niya akong bitbitin si, Ate dahil meron itong tama sa mata at maraming dugong dumadaloy na dito.
Naialis na namin si, ate at pinunta namin ito sa gilid at ng matapos na ang putukan ay lumapit saamin ang mga tumulong saamin. May isang lalaking nasa mid thirties na ata nito at ang isa namang lumapit ay ang may pulang buhok na nakasalubong namin noong may nakabangga kami ni, ate. Meron din itong isa pang kasama na nagbato ng sibat at nakatayo lang ito sa gilid.
"Bitbitin nyo na yung mga gamit nyo, ineng at meron ba kayong lugar na alam na pwedeng gamutin ito." Tumango naman ako at kinuha ang mga bitbit namin ni, ate. Kasama nadin dito ang mga gamit nito.
DINALA ko ang mga ito sa pinagtataguan namin nila, ate. Lumapit naman saakin si, Gravy ng may pagtataka ng tingin at naguguluhan kung bakit maraming tao.
"Ano ito? bakit may dugo sa mata ni, Sabrina?" Takang tanong padin nito.
"Gravy, may tumutok kasi ng baril kay, ate tapos biglang may sumibat dito at pumutok yung baril at tumama sa mata ni, ate."
"Ineng, hali na kayo dito." Tawag saamin ng lalaki at lumapit naman kami ni, Gravy at Ethyl. "Buti at daplis lang ang tumamang bala dito at kung nagkataon na direktang tumama ang baril dito ay baka namatay na ito."
"Salamat padin po sa inyo." Tumango naman ito at lumapit na kaming tatlo kay, ate at meron itong benda sa mata.
"Hindi na nakakakita ang kanang mata nito kaya nilagyan kuna ng benda."
"Paano naman po ito. Hindi niya po ata matatanggap itong nangyari sa kanya." Saad ko at hinawakan ang mukha ni ate.
"Matatanggap niya iyan, ineng. Wala na itong magagawa kaya mabuting tanggapin nalang nito." Ngumiti ito at umalis na sa tabi namin.
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...