Chapter 10
NAGLULUTO ako ng makakain namin ni, Gracy ngayon at sakto naman pagtapos ko ng pagluluto ay umunat unat na ito at bumangon.
"Good morning." Saad ko habang sinasandok ang kanin.
"Good morning din, ate." Magulo pa ang mga buhok nito at may mga muta pa sa mata.
"Maghilamos ka muna do'n at makakain na tayo." Tumango naman ito at dumiretso sa banyo para maghilamos.
Tatawagin kuna sana si, Gracy, dahil medyo matagal na itong nasa banyo. Pero biglang may kumatok sa pinto na nagpakabog ng dibdin ko. Lumabas na si, Gracy ng basa ang mukha.
"Sino kaya yan, ate?" Narinig din pala nito ang katok.
Pumunta na ako sa harap ng pinto at pinapakiramdaman muna kung may mali akong nararamdaman dito. Pero wala, kaya binuksan kuna ito. Bumungad saakin si, Ethyl. Nakangiti ito at may bitbit itong bag.
"Hi, may ibibigay nga pala ako sayo."
"Sge, tara pasok ka. Sakto at kakain nadin kami ni, Gracy. Dito kana kumain." Pagaya ko dito.
"Hindi na, tsaka kakakain ko lang dinaan ko lang sayo to. Magagamit mo ito sa gaganapin na laro para maproteksyonan yung sarili mo." Siya namang labas nito ng isang kutsilyo.
"Kutsilyo?" Saad ko at kinuha ang kutsilyo pero parang hindi ito normal na kutsilyo sa makikita natin sa ating kusina.
"Hindi lang ito basta normal. Ito ay bowie knife. Ginagamit padin ito sa gantong panahon sa pakikipaglaban. Simple man ang disenyo nito pero isa ito sa delikadong nagawa sa buong mundo. At ito pa." May nilabas naman itong uri ng kutsilyo na may hawakan. "Isa itong karambit knife disenyo ito para talaga sa isang labanan." Pagpapaliwanag pa nito dito. Napauwang naman ang bibig ko dahil bakit may ganto ito.
"Bakit meron kang mga ganto?" Tanong ko habang hinahawakan ang mga kutsilyong ibinigay nito saakin.
"Secret. Gumawa lang ako ng paraan para tumagal man tayo kahit papaano." Sabay kindat saakin nito.
"Pero bakit para lang ito sa close fight?" Nagtataka din ako bakit puro malapitan lang ang mga gamit na ibinigay saakin.
"Wag kang magalala. Marami tayong magagamit may mga ilalagay sila sa covered court na magagamit natin."
"Pero bakit wala akong napansin kanina?" Tanong ko dito at lumingon sa likod ko. Nakita ko si, Gracy na nakatitig lang saamin.
"Ano kaba, syempre hindi pa nila ilalabas iyon." Sabay hampas saakin nito sa braso. At tumingin ito kay Gracy. "Hi." At kumaway pa ito. Ngumiti lang si, Gracy kay, Ethyl.
"Sabagay."
"Sge na, mauuna na ako at may gagawin pa ako. Sana magkita pa tayo, Sab." At ngumiti ito sabay yakap saakin. Yumakap naman ako pabalik at hinagod ang likod nito.
"Syempre naman, salamat nga pala dito. Malaking tulong nadin ito saamin." Humiwalay na ito at nagpaaalam na.
"Ate, bat kaya may ganyan yung, Ethyl?" Lumapit ito saakin at hinawakan yung mga binigay ni, Ethyl saakin. "Hindi ka manlang po ba nagdududa?"
"Hindi kuna iisipin kung saan niya nakuha iyan, Gracy. Ang mahalaga ay mayroon tayong magagamit." Tumango-tango naman ito. Biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Tumawa naman kami parehas ni, Gracy. "Tara, kain na tayo."
"Sge po, mukhang gutom na gutom na po yang tiyan niyo. Nagwawala na, eh." Humalakhak naman ito ng humalakhak.
"Gaga, sabunutan kita jan. Tawa ka ng tawa tingnan mo uutot ka ng uutot niyan mamaya. Tara kain na tayo." Pagaya kuna dito dahil baka hindi na kami matapos sa pagkain.
LINGGO na ngayon at pinatawag ulit kaming lahat dahil may ibibigay daw para saamin at sa magaganap na laro.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Mayroon ulit kaming munting handog para sa inyo." At may mga mesang nagpasok na punong-puno sa kagamitan mula sa malayuan hanggang sa malapitan na labanan. Maraming iba't ibang uri ng baril, kutsilyo, pamana at iba pa. Hindi ito mga ordinaryo dahil makikita mo sa bawat isang gamit ay siguradong ikakatapos ng buhay mo. "Pumili na kayo, aking mga manlalaro." Pagkabigkas nito noon ay maraming nagsitakbuhan at nagunahan para sa magandang magamit.
Nakitakbo nadin ako para makakuha ng pistol at isang awm at mga bala. Nabigatan ako sa dala ko at sinabit nalang ito sa balikat ko at dumiretso sa mga espada pero may bumangga saakin. Tiningnan ko kung sino ito at nagulat ako si, Yuan. Inalok naman ako nito ng kamay at inabot ko naman ito para makatayo.
"Masyadong delikado ang mga kinuha mong baril. Alam mo ba kung paano magamit iyan?" Tanong nito saakin.
"Aalamin ko paba iyon? Kaligtasan kuna ang nakataya dito. Tsaka may mga napapanood akong mga ganto sa action movies." Napansin ko na may bitbit itong isang crossbow at shotgun. "Ikaw ba alam mong gamitin yan?" Tumingin ito doon at ngumisi.
"Oo, alam na alam ko." Umiwas na ako ng tingin at naghanap ng espada. May nakita naman akong katana at lumapit at kinuha ito. Pag lingon ko ay wala na si, Yuan.
Pagkatapos ko itong makuha ay umalis na ako doon at marami pading mga kapwa ko estudyante na kumukuha ng gamit.
"Sabrina!" Lumingon naman ako sa tumawag sa likod ko at nakita ko si, Xander. "Kamusta? Wow, apaka angas naman ng mga kinuha mo." Tiningnan ko naman ang bitbit nito at tulad ni Yuan mayroon itong crossbow at meron din itong dalawang pistol at isang kutsilyo na nakasuksok na sa bewang nito.
"Ito, naghahanda na." Naglakad na ako at sumabay lang ito saakin.
"Masyadong dekikado yang dala dala mo, ahh. And you look so fcking cool." Manghang sabi nito. "You look a baddass character from an action movies, I've watched." Patuloy pa nito at ngumiti lang ako.
"Sge na, Xander. Magkikita pa naman tayo bukas, diba?" Ngumiti ito ng pagkalapad lapad.
"Oo naman, sge na. Bye." Paalam nito.
"Bye."
Pagpasok ko sa dorm ay may bumungad na baril sa harapan ko at ang may hawak nito ay si, Gracy. Walang makikitang emosyon sa mukha ni, Gracy. Nakatitig lang ito saakin ng malamig.
"G-gracy?"
"Hi, Ate."
----
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mystery / Thriller"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...