Chapter 25
KASALUKUYAN akong nagmamatiyag sa paligid ng may dalawang tao akong namukhaan at ng medyo makalapit pa ang mga 'to ay ibinaba ko ang katana at tinakbo ang mga ito kahit na tirik ang araw. Niyakap ko ng mahigit si, Stacey at yumakap din ito ng mahigpit pabalik. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko naman si, Xander at niyakap din ito. Wala na'kong ibang taong nakita pa maliban sa kanilang dalawa kaya nagtaka ako.
"Asan si, Justine at Raven?" Tanong ko.
"Mga hayop pala yung mga yun, mga sarili lang pala mga iniisip." Saad ni, Xander ng may galit sa mga mata.
"Tara , sumunod kayo sa'kin ando'n si, Gracy at Yuan." Pareho itong tumango at naglakad na kami.
"Asa'n si, Paulo?" Tanong ni, Stacey.
"Iniwan din kami, eh, pero hinayaan nalang namin ano pa bang magagawa namin." At ng makalapit kami sa mga 'to ay naramdaman ata ni, Yuan ng may ibang tao at naalimpungatan ito.
"Kayo, pala." Tumayo na ito at umunat-unat. "Tirik padin pala yung araw. Sabrina, babalik paba tayo sa silid na yun?"
"Siguro do'n muna tayo magpalipas ng gabi, at maghanap tayo ng supplies maya-maya" Tumango naman ito at tumingin ako kay, Gracy na gising nadin pala.
"Sana at hindi pa ubos ang mga supplies." Napatingin kami kay, Xander.
"Hindi mauubos ang supplies dito, dahil ayaw nila tayong mamatay sa gutom o sakit. Gusto nila sa kamay ng kapwa estudyante natin." Hindi na nagsalita pa si, Xander at nanahimik nalang.
Lumapit ako kay, Gracy at umupo sa tabi nito. "Ayos kalang ba, Gracy? Hindi muna 'ko gaano kinakausap at ilabas mo sa'kin yang nararamdaman mo."
"Ate, hindi ko pa din po tanggap." Biglang may tumulong luha sa mga mata nito. "Hindi ko pa din tanggap, yung nangyari kay.. Gravy"
Niyakap ko'to at hinagod ang kamay ko sa likod nito. "Labanan mo yang nararamdaman mo, masyado kanang kinakain niyang sakit, Gracy. Hindi pwedeng manatili ka nalang sa.. lagay nayan."
Niyakap nadin ako nito ng mahigpit. "Maramimg salamat po talaga, ate Sabrina."
SINUKBIT kuna ang katana sa balikat ko at tiningnan kuna ang mga kasama ko at handa nadin ang mga 'to na umalis. Tumabi sa'kin si, Gracy at ngumiti at ngumiti din ako dito pabalik at nagsimula na kaming maglakad at nauuna kami ngayon ni, Gracy at nasa likod naman ang mga kasamahan namin. Natanaw ko ang clock of death mula sa pwesto namin ngayon at lumapit pa'ko ng kaunti para matanaw kung iilan nalang ba kaming natitira. Nang matanaw ko'to ay nasa bente-dos nalang kaming natitira at biglang naging bente-uno hanggang sa naging disi-nwebe ito. Gano'n kabilis na nababawasan ang bilang nito.
"Konti nalang pala tayong natitira at kinakabahan na'ko, dahil baka buhay pa ang grupo nila, Diane." Saad ko.
"Siguro at buhay pa sila, at paghandaan nalang kung makasalubong natin ang mga 'to." Biglang may malakas na echo kaming narinig at napatakip nalang kami ng tenga.
"Mga natitirang manlalaro, may dagdag hamon ako sa inyo. Nasa inyo pa, siguro ang mga susi niyo, hindi ba? Ang dagdag hamon ko sa inyo, ay paramihan ng susing malilikom, sa mananalo. Kung ilang susi ang malilikom nito ay, kaakibat ng isang daang libo. Goodluck sa inyo at kumulekta kayo ng susi. " Nawala na ito at nanghina naman ang loob ko dahil sa sinabi nito. Dahil mukhang gusto nitong pagawayin kaming grupo.
"Here." Napatingin kami kay, Yuan at nakalahad ang susi nito. "Hindi ko kailangan nito at tingin ko, isang tao lang ang dapat humawak ng mga susi natin para hindi na tayo mahirapan pa at malilito ang taong papatay sa'tin kung nasaam ba ang susi. Ito, Sab, oh."
Umiling ako. "Wag mo sa'kin ibigay, yan baka ako agad ang mamatay sa'tin sa dami ng atraso ko."
"Ito, Sabrina." Abot din sa'kin ni, Xander ng susi nito at inabot nadin ni, Gracy at Stacey ang mga susi nito. "Sayo kami nagtitiwala, Sabrina. Kaya tanggapin muna at ipamburol mo nalang sa'min."
Hinampas ko'to at tawa naman ito ng tawa pati nadin ang mga kasamahan ko at nahalo nadin ako at nakitawa. Muli kaming naglakad at puro biro nalang ang lumalabas sa bibig ni, Xander at tawa naman kami ng tawa at tumingin ako kay, Yuan at hindi man ito tumatawa ay may ngiti naman sa labi nito na ibig sabihin ay masaya 'to. Tumingin din ito sa'kin at ngumiti, tumango lang ako dito at binalik ang tingin sa harap at hindi namin inaasahan ang nasa harap namin ngayon.
"HI, SABRINA."
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Детектив / Триллер"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...