Epilogue

664 21 2
                                    

Epilogue

LUMABAS ako sa paaralang iyon at bumungad sa'kin ang principal at pumapalakpak. Nginitian ako nito at hindi ko naman ginantihan ang ngiti nito at dumiretso lang ng lakad hanggang sa magpatayna kami nito.

"Magaling, Sabrina, Magaling." At pumalakpak ulit ito at inirapan ko lang ito.

"Ito na yung susi. Asan na yung pera?" Iniabot ko dito ang susing nakolekta ko at kinuha naman niya ito at tumawa.

"Masyado kang nagmamadali, Sabrina. Hayaan mo ibibigay ko sayo ang pera bukas na bukas din." Inirapan ko lang ulit ito at lumingon ulit sa paaralan na nakasarado na.

"Kailangan kunang umalis at meron bang sasakyan pabalik sa lungsod?" Tanong ko dito.

"Oo, kung gusto mo ipapahatid na kita sa inyo at ng malaman ko din kung saan ka nakatira para mapadala ko ang pera." Tumango ako dito at naalalang may tatanong ako dito.

"Totoo bang binenta ako ng magulang ko sayo?" Hindi ito nakasagot agad at tumawa ng mapakla.

"Totoo 'yon at ibinenta ka nila para isagip ang kompanya niyo, at ang mga yaman niyo." Nasaktan ako ng marinig ang katotohana sa mismong taong pinagbentahan sa'kin.

"Pwede naba kong makaalis?"

Tumango ito. "Oh, sge."

KASALUKUYAN akong nasa sasakyan at nakita kong malapit na kami sa bahay namin at ng nakarating na kami ay nagulat ako dahil ibang iba ang ayos nito ngayon at mukhang may kasiyahan sa loob dahil nadin sa mga ilaw at ingay na nagmumula sa loob.

Bumaba ako at pumunta sa gate ng mansyon namin at ng tingnan ako ng guardya namin ay nagulat ito dahil andito ako at pinagbuksan din ng taasan ko ito ng kilay.

Tumingin ako sa paligid at maraming taong nandito ngayon at nagkakasiyahan ang mga 'to. Hinanap ng mga mata ko ang walang hiya kong magulang at ng makita ko ito ay lumapit ako sa mga 'to. Gulat ang bumungad sa mata ng dalawa kong magulang at nagkalaunan ay lumapit sa'kin ang nanay ko at yayakapin sana ako pero umatras ako.

"Nakakaabala ba ako sa party niyo, Ma?" Ngisi kong tanong dito.

"B-buhay ka, anak, salamat sa diyos." Pagak akong napatawa at dahil sa sinabi nito.

"Oo ma, buhay ako, buhay na buhay ako matapos niyo kong ibenta, hindi ba ma? Ibinenta niyo ang sarili niyong anak para sa sarili niyong kapakanan." Bastos man kung pagsalitaan ko ito pero nanggigigil talaga ako sa nanay ko ngayon at baka kung hindi kupa pipigilan ang sarili ko baka masasakit na salita ang marinig nito.

"A-anak, hindi-" Pinunasan nito ang luha at muling lumapit at iniharang ko ang kamay ko dito. "Hindi, anak, hinding-hindi ko magagawa 'yon."

"Nagawa muna Ma." Mapait kong saad. Tumingi ako sa paligid at nakitang marami ng nakatingin sa'min at meron nading mga taong nakataas ang mga cellphone at binivideohan kami. "Aalis nako tsaka dumaan lang ako para.. Kamustahin yung mga walang puso kung magulang! Baka kasi sinusunog na sa impiyerno, buhay pa pala."

Mabilis akong umalis at ng makalabas ako ay ando'n padin ang sasakyan kaya mabilis akong sumakay at iniandar naman nito at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Sumandal ako sa salamin at tiningnan ang labas. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at sumabay ito sa kalungkutan ko ngayon. May nakita akong isang babae na umiiyak sa daan kaya tinapik ko si manong.

"Kuya ihinto mo saglit." Inihinto naman nito ang sasakyan at lumapit naman ako sa babae at tumingin ito sa'kin saglit at nagbaba din ng tingin.

"Bakit nagpapaulan ka dito, halika sumama ka sa'kin." Umiling ito at naglakad ulit sa lakas ng ulan at hinayaan ko nalang ito at sumakay ulit ng basang-basa sa sasakyan. Muli akong tumingin sa babae ng may humintong sasakyan dito at may lumabas na lalaki na may bitbit na payong at pinipilit nito ang babae na pumasok. Hindi kuna ito mga nakita ng nakalayo na ang sasakyan namin at tumingin nalang ako sa daan.

--
"Ipapasok ko ang anak ko dito, Mr.valdez. Baon po kasi kami sa utang at sa inyo na po ang anak namin." Nakatingin ako ngayon sa dalawang magasawamg nagmamakaawa na ipasok ko dito ang anak nila dahil baon daw ito sa utang.

"Ayun lang ba ang dahilan para payagan kong ipasok ang anak niyo dito?" Nagkatinginan ang dalawang asawa.

"Opo, kailangan po talaga namin ng pera."

"Pero, alam niyo ba ang kapalit niyan kapag pinasok ko ang anak niyo dito." Napayuko ang dalawa.

"Opo, pero alam po naming mananalo ang anak namin at makakabalik siya." Ako naman ang tumawa at pumalakpak din ako.

"Ok, pero ito lang walang kasiguraduhan kung mananalo ang anak niyo at ibinenta niyo ang kalayaan ng anak niyo. Isipin niyo nalang na wala kayong anak, Mr and Mrs. Falcon. So, paano kelan ko makikilala ang anak niyo?" Muling nagkatinginan ang magasawa.

"Bukas po, Mr. Valdez."

"Good. Im excited to meet her and excited to feel her a hell." Natakot ko ata ang dalawa dahil sa sinabi ko

"M-mapagkakatiwalaan po ba namin kayo na maibibigay niyo samin ang pera agad-agad?" Hinawakan ko ang baba ko at tiningnan ang dalawa ng nakangiti at sinabi ang linyang mas nagpakilabot pa dito.

"Do you trust me?"

--
Author's Note

Maraming maraming salamat sa pagsuporta.

Natapos na ang una kong storya at maraming salamat sa inyo at malapit kunang ilabas ang susunod na kwento na isusulat ko at tiyak na mas magugustuhan niyo ito.

Hindi ako gaano naglagay ng love, love dito at sa ikalawa kung storya na gagawin ay siguradong, maiinlove, maiiyak, matatawa at masasaktan. Madadama niyo ang sakit at pait HAHAHAHA

MARAMING SALAMAT ULIT!!

By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon