Chapter 14

361 22 0
                                    

Chapter 14

TAHIMIK ang kapaligiran ng paglabas namin mula sa isang silid na pinagpahingahan namin. Maraming tao, Oo, maraming patay na tao. Nakakalat ito sa iba't ibang bahagi ng paaralan. Nilibot ko ang mga mata ko habang nakaalalay saakin si, Gracy. Maraming dugo, Maraming mga gamit na delikado, maraming patay.

Kahit hirap na hirap ako ay kailangan talaga naming makaalis sa silid na iyon. Kaya nagsinungaling ako kay, Gracy. Nasa harapan padin namin ang kakambal nito ng may bitbit na machine gun at ngayon nga ay naka suot na ito ng salamin para sa mata nito.

Masyadong mainit ang sikat ng araw sa balat pero pinilit padin naming makalabas at makahanap ng panibagong pupwestuhan na mas ligtas.

"Okay kalang po ba, ate?" Tanong saakin ni, Gracy.

"Oo, naman. Wag kang magalala saakin." Sabay ngiti ko sa kanya.

Biglang huminto ang kakambal nito. "Wag kayong maingay, magtago tayo." Saad nito at dali-dali akong inalalayan ni, Gracy. May nakita kaming aninong papaliko kaya nagtago kami sa gilid ng puno.

"Oo, nga pre. Dapat pinaisa mo muna kami doon sa babae bago mo pinatay." Naririnig naming saad ng isa sa mga anino. Papalaki ng papalaki ang anino nito kaya papalapit din ito sa direksyon namin at mukhang hindi kami nahalata.

"Marami pa namang babae jan, pre. Tsaka- ahh!" Hinampas ni, Gravy ang baril niya sa ulo ng lalaki at napaupo ito habang hawak ang ulo nito na duguan.

"Walang hiya ka!" Sigaw ng lalaki kay, Gravy at sinugod ito ng suntok pero hindi nito matamaan si, Gravy. Eksperto ito kung tutuusin.

Nakatago padin kami ni, Gracy sa gilid ng puno at sumisilip. "Gracy, Tutulungan ko lang ang, kakambal mo." Saad ko dito pero kumapit lang ito sa braso ko.

Yumuko ito. "Ate, natatakot ako. Ito na po yung sinasabi ko, eh. Sana di nalang po tayo lumabas doon."

"Gracy, Nasa panganib tayo magtago man tayo o hindi. Kailangan kong tulungan ang, kakambal mo. Dito ka lang." Saad ko at inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko at iika ikang pupunta kay, Gravy at tulungan ito at hawak ang katana.

Panpatin ang tatlong lalaki na nakasalubong namin. Nakaupo padin ang isa habang humihiyaw dahil sa sakit ng pagkakakhampas ni, Gravy dito ng baril. Ang dalawa naman ay pinagtutulungan si, Gravy at hindi padin nito mahuli ang babae.

Lumikod ako sa lalaking hawak ang ulo nito at napansin yata ako nito dahil sa aninong hatid ko. Lumingon ito saakin at akmang babarilin ako pero naunahan ko ito.

"Ack!" Tusok ko ng katana sa bibig ng lalaki at hinugot ko ito siya namang bagsak ng katawan nito sa lupa.

"Ahh!" Rinig kong hiyaw ni, Gravy. Hawak na pala ito ng isang lalaki at sinikmuraan naman ito ng isa.

Kinuha ko ang pistol sa tagiliran ko at binaril ang lalaking may hawak dito. Muntik ng tamaan si, Gravy dahil sa pagpupumiglas nito. Lumingon saakin ang lalaki at takot ang ekspresyon nito sa mukha. Nang makatayo na si, Gravy ay sinipa niya ito sa tuhod at napaupo ito. Sinuntok niya ito sa mukha at dinig ang pag crack ng kamay nito dahil sa pwersa ng suntok nito.

Lumapit ako sa lalaki at tinitigan ito. "Wag po, Wag niyo po akong patayin." Pagmamakaawa nito. Tumingin naman ako sa pwesto ni, Gracy at nakatingin lang ito saamin. Hindi ko gaanong makita ang mukha nito kaya hindi ko alam kung nakangisi ba ito o hindi. Kinawayan ko ito at pinapunta saamin habang bitbit nito ang mga dala naming bag.

"Tara na at baka may makakita pa saatin dito baka panibagong kalaban na naman." Saad ko at nang malapag na ni, Gracy ang mga gamit ay inalalayan naman ako nito.

"Eh, paano ito?" Tanong saakin ni, Gravy. Tinutok ko ang baril sa ulo ng lalaki.

'Bang'

"Tara na." Sinuksok kuna ang baril ko sa tagiliran ko at pinasok ulit ang katana sa lagayan nito at sinukbit sa bag. Ngumiti saakin si, Gracy at ang kakambal naman nito ay nakanganga lang saakin. "Ano? Tatayo nalang ba tayo hindi hanggang sa mamatay tayo dito? Tara na."

Napakunot naman ito ng noo pero sumunod din at Kinuha ang bag.

NAPADPAD kami sa tapat ng music room at pinauna muna naming pumasok si, Gravy, para tingnan kung meron bang tao sa loob. Nang masigurado nitong wala ng tao ay pinapasok nadin kami nito.

Pagpasok ko ay inalalayan ako ni, Gracy na makaupo at ng maiupo naman ako nito ay siya namang pikit ng mata ko. May tumapik saakin at pagmulat ko ng mata ay may inaabot saaking tubig, si Gravy. Nagulat man ako ay tinanggap kuna ito.

"Salamat nga pala sa pagligtas." Pagkasabi nito ay umalis din agad ito sa harap ko.

Uminom ako ng tubig at nilapag ito sa tabi ko at kinuha ang katana ko. Pinunasan ko ang mga dugo na galing sa lalaki. Sumandal sa balikat ko si, Gracy ng lingunin ko ito ay nakapikit na ang mata. Ngumiti naman ako at ipinagpatuloy ang pagpunas.

By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon