Chapter 9

448 21 0
                                    


Chapter 9

NAALIMPUNGATAN ako ng may narinig na pagbukas ng pinto. Tumingin ako doon at nakita si, Gracy. Ngumiti ito saakin at dumiretso sa banyo at narinig ko ang pagbuhos ng tubig. Mukhang maliligo ito.

Tumayo na ako at pumunta sa damitan at kukuha ng damit para makaligo pagtapos nito. Hindi ko pa pala napapalitan ang uniforme ko at nakasuot padin ako ng medyas. Lumabas na si, Gracy at dumiretso sa gawi ko para makakuha ng damit. Nakatapis lang ito ng tuwalya at basa ang buhok.

"Hindi kapa nagpapahinga, Gracy. Dapat bago ka maligo magpahinga ka manlang kahit, kinse o bente minuto." Pagpaparangal ko dito, dahil masama nga itong maliligo ka ng wala manlang pahinga.

"Opo, Ate." Pagsang-ayon nito at kumuha ng madadamit nito. Tumayo na ako at pinatapos muna itong magbihis bago pumunta sa banyo.

Habang naliligo ako ay parang may mali akong nararamdaman ngayon. Kakaiba na talaga itong mga nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ako ganto dati. Masyado ng maraming pumapasok sa isip ko na nagpapagulo at hindi ko alam kung anong mangyayari sa Lunes.

Paglabas ko ng banyo ay nakaupo si, Gracy sa higaan ko at mukhang inaantay ako sa paglabas. Lumapit ako dito at umupo sa tabi nito.

"Ate, kinakabahan ako sa, lunes. Natatakot ako, ate, sa mga mangyayari. Hindi kupa tanggap ang magiging pagkamatay ko at-" Umusog pa ako at niyakap ito.

"Shh, wag kang panghinaan ng loob, Gracy. Hindi ka mamamatay, ok?" Kumalas ako sa pagkakayap at pinunasan ang mga luhang nalalaglag sa mga mata nito.

"Ate, gusto kupang makita ang mga magulang ko. Gusto kong makaalis sa paaralang ito at mamuhay lang ng simple, ayoko ng ganito, ate." Umiiyak pading saad nito saakin, nahahawa na ako sa pagiyak nito dahil, ako din. Gusto ko din na makita pa ang mga magulang ko, gusto kupang makalabas at mamuhay nalang ng simple kasama ang mga ito. Kaya masyado akong nadadala sa mga sinasabi nito.

"Makakalabas kapa dito at makikita mupa ang magulang mo." Nakangiti kong saad dito at pinunasan ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko.

"Gaano ka kasigurado jan, ate? Handa kabang magsakripisyo para saakin?" Tanong nito na sumapol sa pagkatao ko. Handa nga ba akong magsakripisyo para sa taong kakakilala ko palang, Handa ba akong magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.

Tumingin ako sa mga mata ni, Gracy. Masyado pa itong bata para maranasan ang nangyayari saamin ngayon. Hindi pa ganoon ka mulat ang mata nito para sa mga bagay-bagay. Kaya nakapagdisesyon ako.

"Oo, handa ako, Gracy. Poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya." Bigla itong yumakap saakin ng mahigpit.

"Salamat, ate. Salamat." Tuwang tuwa ito at maski ako ay natutuwa. Dahil natuto ako maging mapagubaya sa kapakanan ng ibang tao ngayon. Hindi ako nagpapaubaya mula bata palang ako, kahit na nakukuha kuna lahat ng gusto ko. Masyado akong makasarili at hindi iniisip ang mga nangyayari sa iba, dahil ako si, Sabrina. Pero ngayon masarap pala sa loob na nakapagbigay ka, may magagawa kang kabutihan sa kapwa mo.

"Walang anuman. At nagtitiwala ako sayo, Gracy. Na hindi ka gagawa ng kahit anong hindi ko magugustuhan. Kung tinilungan kita, sana magawa mo din ito sa kapwa mo.

"Opo, ate." Sabay ngiti nito saakin at tumayo. "Saglit lang po, Ate. May nakalimutan pala ako sa baba." Tumango naman ako at lumabas na ito.

Sana wag kang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan, Gracy.

SABADO na ngayon at binabalak kong magehersisyo para sa magahanap na laro. Kaya nakabihis ako ngayon at lalabas para magjogging at mapalakas yung mga binti ko at makapagpaaraw narin. Chineck ko ang cellphone ko at hanggang ngayon ay wala paring signal. Mukhang wala talagang signal dito. Hindi naman ito gaano kaliblib para mawalan ng signal, kaya imposible.

Lumabas ako at tulog parin si, Gracy. Matagal-tagal ito sa labas at hindi kuna ito naabutan ng bumalik dahil nakatulog na ako. Aayain ko sana ito pero masyadong mahimbing ang tulog ito.

Tumingin ako sa paligid at bilang lang kaming mga nasa labas. Mayroong mga nageehersisyo at nagpapaaraw. Pinaghahandaan ata nila ang magaganap na laro dito. Nagsimula na akong magjogging at mayro'n akong napapansin na mga tumitingin saakin na may ngisi at hindi ko nalang pinansin iyon.

Nang hiningal ako ay umupo muna ako sa isang bench at nagpahinga doon. Tumitingin tingin ako sa paligid at medyo rumarami nadin ang tao. May mga tumitingin padin saakin at pinagsasawalang bahala ko nalang ito. Mabuting wag ko nalang pansinin ang mga ito dahil umiiwas ako sa gulo. Masyado na akong madaming kaaway sa ngayon at wala na akong balak dagdagan iyon. Tumayo na ako at nagjogging ulit pabalik sa dorm.

Pagbalik ko ay tulog padin si, Gracy. Wala talaga akon ideya kung bakit hanggang ngayon ay tulog parin ito. Nalate kaya ito ng uwi? O napuyat? Wala akong ideya kaya paggising nito ay tatanungin ko nalang ito. Uminom ako ng tubig at pinunasahan ang mga pawis na pumapatak padin sa katawan ko.


---
By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon