Chapter 18

341 17 0
                                    

Chapter 18

PAGMULAT ko ng mata ay tanging kaliwang mata ko lang ang nakakakita. Naguluhan ako kung, bakit hindi na nakakakita ang kanang mata ko ay biglang naalala ko ang nangyari. Biglang may sumibat sa lalaki at naiputok nito ang baril at biglang nagdilim ang lahat.

Hinawakan ko ang kanang mata ko at isang tela na nakatakip dito. Inalis ko ito at hinagis at hinawakan ang mata ko, kumirot ito ng hawakan ko. Napakagat naman ako sa labi at napaiyak na dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari saakin ngayon.

Tumayo ako at nakita ng kaliwang mata ko ang mga taong malapit sa loob ko, mayro'n ding mga taong bago sa mata ko at nagulat ako dahil pati si, Stacey ay andito. Nakasandal itong natutulog at ang kambal at si, Ethyl naman ay sa sahig natutulog at ang mga lalaki namang bago sa mata ko ay sa pinagdikit-dikit na upuan natulog.

Pumunta ako sa mga bag namin at kinuha ang cellphone ko sa bag at tiningnan ang sarili ko. May mga natuyo pading dugo mula sa pagkakabaril dito, hinawakan ko ulit ito at medyo masakit padin ito, pero hindi na ganoong kasakit ang nararamdaman ko dito. Binalik ko ito dahil hindi ko na naman ito magagamit dahil lowbat na ito at naiwanan ko nga ang charger ko sa dorm namin.

Lumapit ako kay, Gracy at hinimas ang mukha nito. Nagising naman ito at umunat at kinusot ang mata. Tumingin ito saakin at nagdalawang tingin pa ito bago bumangon.

"Ate, bakit tumayo kana?" Saad nito saakin at hinila ako. "Dapat po pinapahinga mo muna yang mata mo."

"Ano, kaba. Malayo sa bituka to." Biro ko dito pero seryoso lang ang mukha nito.

"Malayo nga sa bituka yan, ate. Pero, sa utak nayan, ate. Kaya mabuti pong ipahinga mo muna yan at baka kung mapano kapa po." Nakikita ko ngayon sa mga mata ni, Gracy na talagang nagaalala ito para sa'kin. Namumuo na ang luha sa mata ko at pinunasan ko naman ito.

"Bakit gano'n, ako nalang lagi ang nadedehado, ano. May mga nanghuhunting saakin ngayon. Nabugbog ako ng g*gong lalaki, at ngayon nawalan ako ng kanang mata, p*tng inang buhay 'to." Inilagay ko ang kamay ko sa mukha ko at pinigilan ang paglakas ng iyak ko. Niyakap ako ni, Gracy at hinagod ang likod ko.

"Ate, kasi may pinaglalaban ka, You fight for your rights. Lahat po tayo may pinaglalaban at lahat po tayo nasasaktan, manhid nalang po siguro ang hindi nasasaktan, ate pero tandaan po natin na, Our pain has a purpose, kaya niyo po 'to, ate. Fight, fight, fight lang po." Napatulala nalang ako sa sinabi ni, Gracy. Tama nga ito may ipinaglalaban ako, kaya ako nasasaktan.

"Maraming salamat, Gracy. Salamat dahil andito ka lagi para saakin." Niyakap ko ito ng mahigpit at nagsituluan na ang mga luha ko at hindi kuna mapigilan ang paghikbi pero mahina lang ito.

"Andito lang din po ako para sayo, Ate sabrina." Mas lalong gumaan ang loob ko sa sinabi nito at nagpatatag saakin. May dahilan kung bakit ako andito, May dahilan kung bakit nangyayari ito saakin at may dahilan ako kung bakit ako lumalaban.

"Oh, anong drama ito. Kulang nalang, ate, eh popcorn at kaunting iyak pa, Sabrina, Maiiyak nadin talaga ako." Napatingin naman kami sa nagsalita at nakataas ang kilay ni Ethyl ng humarap kami dito. Natawa nalang kami at pinunasan ko ulit ang luha ko.

"Gaga ka, ang ganda-ganda na ng usapan namin dito makikisabat ka!" Tinaasan ko din ito ng kilay at lumapit ito saamin at niyakap kami ni, Gracy.

"Hmmpp, nako. Sana ganto nalang tayo lagi. Hindi yung inaalala natin yung nangyayari ngayon saatin. Mag enjoy nalang tayo, baka bukas o makalawa o mamataya na tayo." Sinundan nito iyon ng tawa at pareho naming sinabunutan ni Gracy si, Ethyl.

"Umalis ka na nga dito at ang awkward ng posisyon natin ngayon." Saad ko dahil medyo weird ngang ganto kami.

"Gaga ka, pare-pareho naman tayong babae dito. May ganto kadin naman, eh." Turo nito sa dibdib nito. "Mas malaki nga lang saakin."

"Ah, talaga ba? Pakitaan nalang, oh."

"Totoo naman, eh. Mas malaki ang hinaharap ko sayo, bleh." Tiningnan ko ito ng matalim at kinurot.

"Anong, ingay to! Magpatulog nga kayo!"

"Napakaingay niyo! Kung ayaw niyo matulog, magpatulog kayo!" Sabay na sigaw ni, Stacey at Gravy.

"Opo, opo. Pasensya at bumalik na kayo sa pagtulog, madam."

"Isa pa at pagbabarilin ko kayo, diyan." Saad pa ni, Gravy at muling umayos ng higa.

"Ikaw, kasi, eh." Turo saakin ni, Ethyl.

"Anon, ako. Ikaw kaya yun. Nako dun ka na nga at matutulog ulit ako at, Gracy bumalik kana din sa pagtulog at hayaan mo yang, Ethyl na yan." Tumango lang si, Gracy at bumalik na sa pagkakahiga.

"Matutulog, eh malapit ng mag umaga!" Kontra pa nito pero hindi kuna pinansin at nahiga na. Pumikit na ako at dinalaw na ng antok.

--
By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon