Chapter 19
NAGISING ako dahil sa ingay ng mga tao sa paligid ko. Bumangon ako at nakita kong nagtititigan ng masama si Gravy at Stacey. Parehong matalim ang titig nito sa isa't isa at kapwa walang nagpapatalo.
"Ang panget-panget na nga ng mukha mo nagpakulay kapa ng kulay pula na kasing kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Gravy dito at sinuntok ito sa pisnge.
Tinulak ni, Stacey si Gravy bago sumagot. "Eh, anong pakielam mo! Buti ako mukha at buhok lang panget, eh ikaw buong katawan, panget."
"Aba, tarantado ka!" At nagsabunutan at nagsuntukan ang dalawa. Tiningnan ko sila Gracy at Ethyl, nanonood lang ang mga ito ng may ngiti sa labi.
"Gracy." Tawag ko kay, Gracy at lumingon naman ito at lumapit.
"Bakit, ayaw niyong awatin yung dalawa kanina paba, yan?" Tanong ko dito at umupo ito sa tabi ko.
"Hinayaan nalang po namin, ate. Nageenjoy nga po kaming panuorin sila, tsaka kanina pa po yang dalawang yan." Tumawa ito at tiningnan ulit namin ang dalawa na nagpaikot-ikot na. "Eh, alam mo naman yang si, Gravy, ate. Hinding-hindi talaga magpapatalo yan. Aksidente kasing nasipa ito, ni ate Stacey sa mukha, at ayun nagsimula na yung away nila."
"Kaya pala. Gracy, kilala mo naba yung mga tumulong saatin?" Tanong ko at tinuro yung mga lalaking nagtatawanan lang sa gilid.
"Opo, ate. Mababait po sila, at nakakatuwa nga po dahil hindi nalang po tayo, tatlo. Ang dami-dami na po natin at ang saya po." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Mas madami mas, masaya nga.
"Do you trust, them, Gracy?" Tanong ko dito na nagpaseryoso dito.
"Sabi mo nga po, ate, pagkatiwalaan kita. Pinagkatiwalaan ko din po yung sarili kong walang mangyayaring masam kaya, medyo panatag po yung loob ko." Seryosong saad nito.
"Ganyan nga, Gracy, gany-" Biglang may tumamang sapatos sa noo ko, kaya napabalik higa ako.
"Aray! Mga h*yop kayo, sinong nagbato nito." Nakatingin lang saakin ang dalawang tumigil na sa pagbubugbugan.
"Ito! Siya yung nagbato." Saad ni, Gravy at turo kay, Stacey.
"Anong, ako. Ikaw nga tong nagbato tapos isisisi mo saakin." Depensa ni, Stacey.
"Magsabi kayo ng toto-" Biglang may nagsalitang boses na nagpakilabot saamin.
"Mga manlalaro ko, magsilabas kayo sa lungga niyo at harapin niyo ang mga iba pang manlalaro. Hindi kayo habang buhay nalang magtatago jan sa mga silid at walang mangyayari." Isa itong malakas na boses na, hindi namin alam kung saan nanggagaling. Basta dinig na dinig namin ito. "Kaya, yung mga manlalaro ko jan na nagtatago at walang balak lumabas, susunduin kayo ng mga tauhan ko at ihanda niyo ang sarili niyo. Bibigyan ko kayong lahat ng pagkakataon para makalabas bukas na bukas din. Kung hindi, makikita niyo."
Kinabahan naman ako sa sinabi nito. Marami pa siguro kaming estudyante na o mga manlalaro na nabubuhay at pinapalabas nito. Masyadong delikado sa labas at hindi namin alam baka may mangyaring masama saamin at baka magkita-kita na kami nila, Diane at Jacqueline. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko kundi para sa taong nasa paligid ko at baka madamay ito kapag nagkaharap na kami ng mga ito.
"Kailangan na natin lumabas bukas na bukas." Napatingin naman kami sa lalaking nasa mid thirties na nito.
"Oo, pero delikado hindi ba?" Tanong ni, Gracy.
"Delikado na ang buhay nating lahat. Kaya harapin na natin ito. Siguro magkaibigan tayo dito sa loob, pero pag nakalabas na tayo bumalik tayo sa pagiging magkalaban." Saad pa nito.
"Kung iyan yung gusto mo, edi ok." Tumingin naman kami kay, Gravy at seryoso lang ang expresyon nito sa mukha.
"Humanda ka sa'kin." Seryosong sabi din ni, Stacey.
"Bukas na bukas, Humanda ka din saakin, makikita mo." Duro ni, Gravy dito.
"Handang-handa na ako, panget!" At nagbangayan na ang dalawa at nagsimula na namang magsuntukan.
Lumapit saakin yung lalaki at umupo sa tabi ko. "Ok naba yang pakiramdam mo, Sabrina."
"Opo, medyo ok napo itong mata ko. Kayo po pala nagligtas saamin, maraming salamat po." Ngumiti naman ito.
"Walang anuman, Sabrina. Tanggap mo naba yang nangyari sa mata mo?" Tanong nito saakin.
Tumango ako. "Tanggap kuna po. Wala nadin po kasi akong magagawa."
"Ako nga pala si, Paolo, Sabrina." Pakilala nito at nakipagkamay saakin. Tinanggap ko naman ito.
"Bakit po kayo andito?" Tanong ko na nagpatigil dito. "Ok lang puba, kayo?"
"Ito ang tandaan mo, Sabrina, kaya tayo nandito ay dahil sa pangangailangan. May pangangailangan yung mga taong nagtapon saatin dito." Naguluhan ako sa sinabi nito at napakunot ang noo ko.
"Pangangailangan? Teka hindi ako tinapon ng mga magulang ko dito. Pinagaral nila ko dito dahil-" Biglang naalala ko yung mga nawala saamin, mula sa mansyon namin hanggang sa kompanya ng mama ko. "Hindi nila magagawa iyon saakin."
"Hindi ko alam ang totoong rason, Sabrina. Pero iyon lang ang alam ko, kung bakit tayo andito." Umiling ako ng umuling dahil hindi ako magagawang ilagay sa kapahamakan ng magulang ko.
"Hindi.. Hindi! Hindi magagawa ng magulang ko yun." Sigaw ko dito at lahat ay napatingin saamin. Tumayo ako.
"Ate-"
"Hayaan mo muna siya." Sabi nito kay, Gracy at tuluyan na nga akong lumabas dahil hindi ko matanggap yung sinabi nito. Hinding-hindi magagawa ng magulang ko ito sa'kin.
--
HANDA NABA KAYO? HAHAHAHA
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Mistério / Suspense"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...