Chapter 20
BIGLANG may tumabi sa'kin sa pag-upo tiningnan ko naman ito at nakita ko si, Ethyl, nakatingin lang ito ng direkta sa kawalan. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil.
"Tanggapin mo nalang. Wala na tayong magagawa. Naibenta na tayo ng mga magulang natin, ano pang magagawa natin?" Nakatingin padin 'to sa kawalan at may namumuong luha sa mga mata nito. "Ako nga, eh, harap-harapan akong binenta ng magulang ko. Sinabi pa sa'kin ng mga 'to na wala akong kwenta kaya, mabuting ibenta nalang daw, ako."
"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" Napayuko naman ako at naluha nalang. Pinunasan ko ito at humarap kay, Ethyl. "Pero, bakit gano'n. Yung mga taong binigay muna lahat, eh, magagawa ka pading saktan. Gano'n naba kasama yung ugali ko para ibenta ako ng mga 'to."
"Hindi ka masama, Sab. Sadyang hindi lang talaga nakikita ng mga 'to yung totong, ikaw." Humarap ito saakin ng nakangiti at pinisil ulit ang kamay ko. Tinaas nito ang isang kamay at pinunasan ang mga luhang tumutulo padin sa mata ko.
"Paano ko mapapakita yung totoong ako, kung yung mga taong inaasahan kuna anja'n sa tabi ko, eh hindi manlang ako mabigyan ng oras." Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa mga pumapasok sa utak ko. "Simula bata palang ako hindi na nila ako nabigyan ng oras na hinihingi ko. Kaya naging ganito ako. Lahat ginawa ko para lang mapansin nila, ako. Nagmamakaawa na ako na sana mabigyan manlang nila ako ng panahon, panahon na maramdaman kuna anjan sila, na may anak sila."
Tuluyan na nga akong napahagulgol at niyakap lang ako ni, Ethyl at hinagod ang likod ko. "Ang hina-hina ko pagdating sa mga taong importante saakin, bakit gano'n."
"Dahil mabuti kang tao, Sab. Napakabuti mong tao, at hinahangaan kita do'n. Tatagan mo ang loob mo, Sab. Wag mong hayaang lamunin ka ng galit, at isipin mo nalang yung mga taong andito ngayon sa tabi mo. Andito, ako, Sab. Si, Gracy. Hinding-hindi ka namin tatalikuran dahil mahal na mahal ka namin." Niyakap ko ito ng mahigpit at niyakap din ako nito. Hinarap ako nito at hinawakan ang mukha ko. "Andito lang kami para sayo tandaan mo."
"Salamat. Hindi ko alam yung gagawin ko kung wala ka, wala kayo. Kayo nalang ang nagpapatatag ng loob ko at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala kayo." Ngumiti ako dito at muli itong niyakap ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa ako sa inyo, eh." Napatingin kami ni, Ethyl dito at nakita namin si, Gravy. Kumalas naman ako sa pagkakayakap kay, Ethyl at tiningnan ito ng mabuti. Dala-dala nito ang M249 SAW na gamit nito lagi.
"Sa'n ka pupunta at bitbit mo yan." Tanong ko dito at pinunasahan ang mga luha ko.
"Sa tabi-tabi lang may mapaglabasan lang ng sama ng loob at aalis nadin naman tayo." Bitbit nito ang machine gun at umalis ng hindi na lumingon pa saamin.
"Minsan, alam mo, yung kambal ni, Gracy parang may tama sa ulo." Natawa naman ako sa sinabi nito at hinampas ko ito sa braso.
"Teka nga, Sab. Alam mo ba yung pagkakaiba ng dalawang yon." Tanong nito at napaisip.
"Ang alam ko lang ay yung pagkaiba ng ugali nila. Wala naman kasing nakwento saakin si, Gracy na pinagkaiba nilang magkakambal." Napatango-tango naman ito at humawak sa baba.
"Masyadong misteryoso yang kambal nayan. Biruin mo yung isa ambabait-bait na akala mo santo, yung isa naman parang may sapak sa utak, attitude, eh." Kinurot ko ito sa tagiliran at hinampas naman nito ang kamay ko.
"Gaga, ka. Kung ano-anu pinagsasabi mo sa kambal. Barilin ka mamaya ni, Gravy, jan eh." Biro ko dito.
"Ha, Ha. Hindi ako kayang barilin no'n, alam niyang kasangga kita, eh. Baka siya pa barilin mo."
"Mas madiskarte saakin yun, baliw. Baka tayong dalawa pa mabaril." Tumawa ito at umiling.
"Tara na nga pumasok na-"
'Bang
Biglang may putok ng baril akong narinig at biglang natumba si, Ethyl. Tiningnan ko naman ito at may tama si, Ethyl sa ulo. Biglang nanlamig ang buong katawan ko at tumingin ako sa paligid pero wala akong makitang tao na maaring bumaril dito.
"E-ethyl." Hinawakan ko ang mukha nito at nakadilat pa ang mata nito, binaba ko ang talukap ng mata nito at tumayo at tumingin ulit sa paligid.
Biglang may bumaril sa'kin pero hindi ako tinamaan nito. Nilabas ko ang baril ko at tumakbo at alertong tumitingin sa paligid.
Pagpasok ko sa silid ay tuluyan na akong napaupo. Lumapit naman sa'kin ang mga kasamahan namin.
"S-Ate, anong nangyari? Bakit hingal na hingal ka at asan si, Ethyl at si Gravy." Niyugyog na ako nito dahil hindi padin ako tumigil sa hagulgol. Tumayo ako at tiningnan silang lahat.
"Umalis, na tayo dito. Kailangan na nating makaalis dito." Naguguluhan man ang mga ito ay kanya-kanyang bitbit ng mga gamit.
"Bakit, ate?" Tanong ulit nito.
"M-mamaya ko na p-papaliwanag, Ang mahalaga makaalis tayp ngayon dito." Tumango ito at kinuha na ang gamit, Kinuha ko din ang mga gamit ko.
Lumabas na kami pero nagulat kami sa bumungad saamin. Ang grupong hindi ko gustong makita, Ang grupong naghahanap saakin. Nagulat din kami dahil sa may iba pa itong kasama. Dalawang lalaki at isang babae na may kanya-kanyang hawak ng baril at.. Si, Gravy. Nakaluhod ito at nakatali ang mga kamay nito sa likod at may hawak si, Diane na espada na nasa gilid ng leeg nito. Tumingin naman ako sa mga mata nito, ngumisi ito saakin.
"Hi, Sabrina. Miss me?"
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Misterio / Suspenso"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...